Chapter Forty One ADRIAN ANG sabi ng iba ang hirap hanapin ang kaligayahan. Hindi raw iyon hinahabol at mabilis na mawala sayo. Pero para sa akin, ang kaligayahan ay may pangalan at Mariz Sky Del Monte ang pangalan ng kaligayahan na ito—ang kanyang pinakamamahal na mapapangasawa. “Hindi ako makapaniwalang ikakasal ka na talaga! Hindi ko inimagine na maitatali ka brad. Akala ko single ka na forever,” sabi ni Cris. Nakatayo siya sa tabi ko. “Panigurado hindi na kita makukulit at hindi na tayo makakapaglaro ng Mobile Legens or League of Legends. Tiyak na malalagot ako kay Mariz.” “Puwede ba Crisostomo umayos ka. Para namang namamaalam na ako,” parang gusto kong bugbugin si Cris pero nagpigil ako kasi nasa simbahan kami. Teka buti hindi to nasunog? “Hindi ba totoo naman? Itatali este