Chapter Thirty Eight MARIZ "MARIZ yung trophy daw meron na? "Mariz yung tally sheet for championship game, naxerox na?" "Mariz yung last uniform daw ng mga referee?" "Mariz nasaan si coach?" "Mariz---" "Sandaleeeeeeeee! Waaaaaiiiitttttt laaaangggggg!" hindi ko mapigilang sumigaw. Parang gusto kong dagdagan yung sigaw ko ng I am not a robot! "Puwede ba isa isa lang? Ilagay niyo nalang jan sa mesa ang mga kailangan niyo. Isulat niyo jan sa bondpaper na yan at nang masimulan ko na. Hindi ako makakatrabaho kung andito kayong lahat at sabay sabay pa kayong nagsasalita. Wala akong maintindihan ni isa sainyo," sabi ko and the last thing I know ay isa isa na silang umalis at mag-isa nalang ako sa office ko. Inabot ko ang mga papel kung saan nila iniwan ang mga kailangan nila para sa akin