bc

BITUIN ANGELES - THE MYSTERIOUS MAN

book_age18+
552
FOLLOW
7.3K
READ
one-night stand
HE
stepfather
blue collar
drama
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Pokpok. Isa siyang babaeng mababa ang lipad ayon sa mga tsismosa. Pero kahit naman ayaw ni Bituin Angeles sa trabaho n'yang iyon ay wala siyang magawa. Kailangan n'yang makaipon ng pera para sa kapatid n'ya. Ang pagsasayaw n'ya sa club ang dahilan kung bakit patuloy itong humihinga. Pero habang nagtatampisaw siya sa putikan para magkapera ay may isang misteryosong lalaki na dumating sa buhay n'ya. Isang customer na nakatago ang mukha sa isang maskara. Lalaking handang gumastos ng libo-libo para lang mapanood siyang sumayaw sa harap nito. Sayaw lang ang kaya n'yang i-offer sa customer n'ya. Ngunit paano kung hangarin na nito ang katawan n'ya? Pero may iba palang balak ang lalaki. Hindi lang katawan ang nais nito. Nais nitong maging asawa siya. Katawan at kasal kapalit ng salapi. Kaya n'ya nga bang tanggapin iyon para tuluyan nang makaalis sa putikan?

chap-preview
Free preview
1
Chapter One Gabi. Pasimple akong sumilip sa hinawi kong kurtina upang tignan kung gaano na karami ang mga parokyano. Marami na. Biyernes ng gabi, ito ang pinakamaraming customer sa loob ng isang linggo. Mariin akong napalunok. Mabilis ang kabog ng aking dibdib. Gabi-gabi ko namang ginagawa ito. Mula lunes hanggang biyernes. Sa isang linggo ay limang gabi akong sumasayaw rito sa club na ito. Sabado at linggo naman ang pahinga ko. "Bituin, handa ka na ba?" tanong ni Mommy Rhea sa akin. Obvious naman siguro sa mukha ko na hindi pa ako handa at alam kong nakita nitong nakabakas sa aking mukha ang kaba. "Isuot mo na ang maskara mo." Utos ni Mommy Rhea. Siya ang boss sa club na ito. Pag-aari nito ang club na ito at ako ang pinakapaborito nitong alaga. "Kinakabahan na naman po ako." "Ano ka ba naman? Gabi-gabi mong ginagawa pero kinakabahan ka pa rin? Biyernes ang pinakamabentang gabi, Bituin. Sayang ang tip kung 'di ka aakyat ng entablado." Lumapit ito sa lamesa kung saan nakapatong ang maskarang puti na ginagamit ko. "Isuot mo na ito. Tiyakin mong mahigpit mong maitatali iyan." "Opo, Mommy Rhea." Tugon ko rito. Sinipat nito ang ayos ko. Nang mapansin nitong hindi maayos ang suot kong palda ay inayos pa nito iyon. "Galingan mo. Mas lambutan mo pa ang giling mo. Mukhang mga bigatin iyong nakapwesto sa gitna. Malay mo'y may makuha kang sponsor doon." Sponsor? Katulad no'ng sponsor ni Verline. Sa tuwing nandito ay hindi na kailangan pa na gumiling-giling sa entablado. Samahan lang n'ya sa table ay may sure money na siya. "Ayaw ko naman po ng sponsor, Mommy Rhea. Mas mabuting sumayaw na lang po ako kaysa maki-table at hawak-hawakan nila." "Oh, kilos na pala. Dalian mo na." Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Ang skirt na suot ko'y sobrang iksi, natatakpan pa naman ang pang-upo pero tiyak na aangat lang din iyon mamaya. "Galingan mo." Bilin ulit nito. Huminga ako nang malalim. "Bituin!" malakas na tawag ng host sa akin. Isang masigabong palakpakan ang pumuno sa bulwagan. Namatay rin ang ilaw, at ang tanging may liwanag na lang ay ang entablado kung saan ako magpe-perform. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero kinalimutan ko ang kaba nang humakbang na ako patungo sa gitna ng entablado kung saan ay may pole. Dahan-dahan akong humawak doon habang nakayuko. Nang magsimulang pumailanglang ang musika dahan-dahan akong tumingin sa aking harapan. Kung saan mayroon mahigit 50 na kalalakihan na alam kong takam na takam na nakatitig sa akin. Iyon isa pa nga'y agad idinampi ang palad sa pagkalalaki n'ya nang magawi ang tingin sa akin. Inilabas pa nito ang dila at ginalaw-galaw n'ya iyon na parang may dinidilaan. Pero para sa akin... normal na lang iyon. Nang magsimula akong gumiling ay naghiyawan ang mga kalalaki. Parang wala pang tatlong giling ay umangat na ang skirt ko at tumambad ang malunog na pang-upo. Nakasuot lang ako ng t-back. Kaya naman kitang-kita nila ang pisngi ng pang-upo ko nang umangat ang skirt. Pero imbes ibalik sa pagkakaayos iyon ay muli ko lang ipinagpatuloy ang paggiling. Nang-aakit. Kung gaano kaharot ang tugtog ay gano'n din kaharot ang aking sayaw. Naghihiyawan ang mga kalalakihan. May ilan pa nga na lumapit sa gilid ng entablado. Nakataas ang mga kamay na parang nais haplusin at lamasin ang katawan ko. Pero nanatili lang akong nakahawak sa pole. Tinutukso-tukso ang mga ito nang sayaw na gabi-gabi kong ginagawa. "Hubad na!" gigil na sigaw ng isa sabay hagis ng perong papel sa entablado. Saka lang ako bumitaw sa pole. Nang-aakit pa ngang lumakad palapit sa perang ibinato nito at dinampot iyon. At sa harap ng lalaki, may distansya pa rin naman mula sa pwesto n'ya ay hinawakan ko ang strap ng bra. Nanunuksong kunwari'y huhubarin iyon. Ipinakita ko pa rito kung paano ko ipitin ang dibdib na halos lumuwa na dahil sa laki no'n. Sinubukan nitong abutin ako. Pero nakalapit agad ang bouncer at tinapik ito. Lahat ng mga binabatong pera ay kinukuha ko. "Hubad! Pakita mo ang suso mo!" utos ng isa na nagbato na naman ng pera. Kaya naman mapang-akit na tuluyan kong hinila ang tali ng bra'ng suot ko. Saka iyon tuluyang hinubad. Muli silang naghiyawan. Akala mo'y mga hayok na hayok sa laman. Iyong iba'y walang pakialam kung sa mga kinauupuan na nila mismo nila hawakan ang mga pagkalalaki nilang nakatago sa mga salawal nila. "Bituin, tangina mo! Makakantot din kita." Malakas na hiyaw ng lalaking mukhang lasing na. Kahit napakabastos nang sinabi nito ay nagpatuloy lang ako sa mapanuksong sayaw ko. Gabi-gabi kong naririnig iyon sa mga customer ng club na ito. Halos gabi-gabi ring may nagtatangkang samahan ako sa entablado. Pero mabuti na lang at mabilis ang mga bouncer na nagbabantay sa akin. Nang lumantad sa mga kalalakihan ang malusog kong dibdib ang iba'y nagtayuan pa at nagsisigaw. No'ng una kong ginawa ito ay halos nanginig ako sa takot no'n dahil sa mga naging reaction ng mga kalalakihan. Pero ngayon... mayroon pa rin kaba. May takot pa rin. Pero mas kaya ko nang lunukin ang takot na iyon. Pikit-mata na lang. para kay Roselly. Para sa kapatid kong may sakit. "Ang sarap mo, Bituin!" hiyaw ng isa. Parokyano na rito iyon at tanda ko ang mukha. Kilalang-kilala ko na ang mukha. Pero itong taong ito... hindi nito alam na iyong pinagnanasaan n'ya ay ilang ulit na nitong nakaharap. No. Palagi nitong nakakaharap. "Ipakita mo na!" utos ng isa. Patuloy ang paglipad ng mga pera patungo rito sa entablado. Lahat ng mga ito'y may gustong makita. Tanging saplot pang-ibaba na lang ang mayroon ako. Ang skirt na umangat na at ang makipot na telang tumatabing sa pagkababae ko. Hinila ko muna ang upuan at dinala iyon sa gitna. Saka ako naupo roon. Paharap sa kanila. Nang bumukaka ako ay mas lalo pa silang naulol. Ganito ang gabi-gabing kong ginagawa. Ako si Bituin. Hindi katulad ng mga bituin sa kalangitan na hinahangaan ng lahat dahil sa kinang. Pero ako ang bituin sa club na ito na kinauululan ng mga parokyano ko. Pagkatapos kong sumayaw na hindi napagbigyan ang gusto ng mga kalalakihan na ipakita ang aking gitna ay mabilis kong pinulot ang mga perang nagkalat. Wala akong iniwan kahit isa. Saka nakuha ko pang mag-bow sa mga ito at dali-daling bumalik sa back stage. Agad isinalubong ni Mommy Rhea ang robe at isinuot nito agad iyon sa akin saka n'ya ako iginiya patungo sa dressing room. Para akong nanghihinang naupo sa monoblock chair na nanggigitata na ang itsura. Ang perang nakuha ko sa pagsasayaw ay agad na inilapag sa lamesa. May pagmamadali sa kilos ni Mommy Rhea. Isa-isa nitong iniayos ang mga iyon dahil lukot ang mga iyon. "Ang dami nito, Bituin." Kilig na kilig sa mga perang patuloy nitong inaayos. Nang makita nitong wala akong kibo ay saglit nitong itinigil at kumuha muna ng tubig. Iniabot nito iyon sa akin. Agad ko namang tinanggap at ininom iyon. "May lumapit sa akin kanina. Kung gusto mo raw ay i-table ka. Inom lang. Bibigyan ka raw n'ya ng---" "Mommy." Seryosong ani ko. "Sabi ko naman ay hindi ka nagpapa-table. Oh, ito ang tip. Walong daan iyan." Parang 5% lang sa kinita ko ngayong gabi iyon. Pero tinanggap ko pa rin. "Oh, ito pa." Abot nito sa isang daang papel. Kinuha ko pa rin iyon. Bukod sa tip ay may sahod naman kami rito. Makukuha ko iyon sa akinse. "Aalis ka na ba?" tanong nito. "Opo. Baka iwan ni Manang Caridad si Rosally roon." Sinipat ko ang orasan alas-11 na. Ako naman kasi ang last solo dancer. Iyong mga nakasalang doon ay by group na ang performance. "Sige na. Magbihis ka na. Sa likod ang daan, Bituin. Para walang makapansin sa 'yo." Bilin ng ginang. Tumango lang ako't dali-dali nang tumayo at kinuha ang bag kung saan naroon ang gamit ko. Pumasok ako sa banyo. Ang 900 pesos na galing kay Mommy Rhea ay inilagay ko muna sa wallet ko. Sunod ay hinubad ko na ang robe na suot ko. "Bituin, iyong bra mo." Katok ni Mommy Rhea kaya binuksan ko ang pinto. Inilusot lang n'ya iyon. Nang makuha ko'y agad ko ring isinara ang pinto. Inilagay ko iyon sa bag ko. Saka ko hinubad ang skirt ko. Sa ilalim no'n ay may bulsa. Iyong ibang tip na pasimpleng isinuksok ko roon ay agad kong inilabas. Tatlong libo. Inilagay ko rin iyon sa wallet ko. Bago tuluyang nagpalit ng damit. Isang malaki at lumang t-shirt. Ang pantalon ay gano'n din. Luma. May butas pa nga dahil sumabit iyon sa pako. Ang buhok ko'y ipinusod ko. Saka ko lang din tuluyang tinanggal ang maskarang puti. Naghilamos ako para rin matanggal ang makapal na makeup. Nang maalis ko na iyon sa mukha ko ay gumamit lang ako ng panyo para tuyuin iyon. Ibang Bituin na ang nakita ko sa salamin pagkatapos kong linisan ang mukha. Nang handa na akong lumabas ay binitbit ko ang bag na pinaglalagyan ko ng gamit, pati iyong maskara ay kinuha ko rin at inilagay sa lamesa. Iyong hoodie ko na nabili ko lang sa ukay ay isinuot ko. Saka na ako lumakad patungo sa likod ng club at doon na dumaan. Gabing-gabi na. Nagkalat sa kalye ang mga lasing. Sa unang Kanto ay pwede na akong sumakay ng tricycle. Pero tatlong kanto pa ang nilakad ko bago ako sumakay ng tricycle na bumibiyahe rin sa barangay namin. Pagsakay ko'y agad kong sinabi sa driver ang lugar. Agad namang umusad iyon. 20 minutes lang na biyahe ay nasa tapat na ako ng bahay namin. Nagkalat pa ang mga tambay rito. Dahil ang alas-11 at alas-12 na oras para sa kanila ay maaga pa. Pagkatapos kong nagbayad ay dali-dali na akong pumasok sa tarangkahan. Natigilan pa ako nang makitang nasa lupa si Rosally, natutulog. "R-osally?" iyong kaba ko'y halos magpasikip sa dibdib ko. Sinubukan kong yugyugin ito para magising. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang magmulat ito ng kanyang mga mata. "A-te? S-orry po, dito na po ako nakatulog. Uhaw na uhaw po kasi ako kanina. Umalis po ng alas-10 si Manang Caridad. Hindi n'yo po ako naiwanan ng tubig. Kaya gumapang na lang po ako patungo sa kusina. Kaso napagod po ako no'ng pabalik na kaya rito na lang po ako natulog." Pumatak ang luha ko pero agad kong pinunasan iyon upang hindi nito mapansin. "Halika na. Buhatin ka na ni ate." Saglit kong isinabit ang bag ko. Saka ko siya binuhat. Oo, kahit babae ako'y kinaya kong buhatin ito. Araw-araw ko namang ginagawa iyong dito. Lumpo ang kapatid ko. Hindi na naigagalaw ng kapatid ko ang kanyang mga binti dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito at ng magulang namin noon. Bukod sa lumpo ito ay may hika pa siya. Mabilis mapagod. Madalas ding sumpungin ng kanyang hika. Lalo na kapag mainit at pagod. Nang mailapag ko siya sa higaan na sa totoo lang ay nilatag na karton at sinapinan lang ng lumang carpet na napulot ko sa basurahan, ay agad kong pinagpagan ang braso at binti nito na kinapitan na ng dumi. "Sige na, matulog ka na. Bukas kakausapin ko si Manang Caridad. Hindi ka n'ya dapat iniwan." "Ate, okay lang po iyon. Si Manang Caridad lang ang payag na magbantay sa akin ng gano'ng oras kaya hayaan mo na." Paano na lang kung sa pagkilos nito patungo sa kusina ay sinumpong siya ng hika n'ya? Tapos walang kasama rito sa bahay? Paano na lang? "Magpahinga ka na. Aayusin muna ni ate iyong mga kalat sa kusina." Maingat ko pang hinaplos ang buhok nito. "Mahal kita, Rosally." "Mahal din po kita, ate." Sa sobrang pagmamahal ko rito ay kaya kong gawin ang lahat. Ultimo ang pagsasayaw ng hubad sa entablado kung saan ay puro kalalakihan ang manonood. Kaya kong ibaba ang pride ko para lang kumita nang malaki. Para kay Rosally. Para sa kapatid ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook