Chapter 2

1138 Words
                                                           Sabado ngayon , napagpasyahan namin ni Ruru na mag malling muna.        "Saan ba tayo?" I asked Ruru sa kabilang linya. Nasa harapan ako ngayon ng tukador at sinusuklay ang mahaba kong buhok. Nakasuot ako ng black sleeveles fitted top and a ragged fitted jeans.     "Shangri-la tayo. Kita nalang tayo sa labasan?"     "Okay." then I hung up.Pagbaba ko ng hagdan ay nabungaran ko agad si mama.    "Ma , aalis po ako. Bibili po ako ng mga requirements." paalam ko sabay halik sa pisngi niya at kumuha ng sandwich na nakahanda sa mesa.      Alas kwatro na nang hapon ngayon. Pinasadahan niya ako ng tingin bago siya nagsalita.     "Umuwi ka ng maaga ha? ‘Wag magpa gabi." she smiled.     "Yes ma."    "O, sandali." Pigil niya at may kinuha sa wallet niya. "Eto, pambili mo." Sabay abot niya ng isang libo.     Napatingin ako doon. Hindi kami mayaman,nakakain naman nang tatlong beses sa isang araw.     "Wag na ma, meron pa ako. Itago mo nalang."      Sumakay ako sa taxi at tumungo na ng Shangri-la. Sa loob ng taxi ay hindi ko maiwasan ang hindi isipin si Damon.         Mula noong fourth year high school na pag stalk ko sa kanya hanggang sa nag first year College akoay hindi ko na pinalagpas.         Noon ay hindi pa masyadong matikas ang katawan niya pero isang tingin mo lang alam mo ng suplado. Palaging salubong ang kilay at parang palaging mananapak ang mukha at palaging seryoso. Pero ngayon ngumingiti na siya.     Maybe because of Natalia? Simula noong makilala niya si Natalia nag iba na siya.  His hard features became soft. Sobrang playboy niya noon. Hindi ko maiwasang hindi ikumpara ang sarili ko kay Natalia.     She's tall while  I'm not. She's feisty while I'm weak. She's beautiful  and I'm....cute.  I heaved a sigh.    "Bakit tahimik ka?" Ruru asked. Nasa loob kami ngayon sa loob ng chowking sa foodcourt ng Shangri la. I pouted nginuya ko muna ang pagkain ko bago nagsalita.    "Damon threw my cookies last time." Marahan kong sabi. Saksi si Ruru ng aking pagkabaliw at effort kay Damon.Marahas siyang nagbuntong hininga.     "Zand, alam mo naman na may Natalia na ‘yun di‘ba? Nakita natin kung paano kabaliw si Damon doon." Uminom siya ng tubig bago nagsalita.    "Wag mong ipilit ang sarili mo kung ayaw niya, marami kang suitors! Nandiyan si Isaac,si Ryle,at si Kid!"     Tukoy niya ay iyong mayayamang nanliligaw sa akin sa Mt. Carmel at St. Dominic. Nalungkot ako.    "Pero iba si Damon ‘e. Ewan ko ba kahit pansinin niya man lang sana ako ng konti." nagsimula na akong kumain ulit.     "Hibang kana talaga! Pero kung ano man ang gagawin mo. Nandito lang ako." She smiled and held my hand.      Sometimes having a friend is a big help. You can have a shoulder to cry on. You can share your problems. And you can have a partner in your craziness.     Naglalakad kami sa loob ng mall habang may hawak akong frappe at  sa isang kamay ko ay ang aking  paper bag na may mga laman nang requirements ko.     "Anong sports pala ang pipiliin mo Zand?" Tanong ni Ruru na abala sa cellphone niya.    "Volleyball, ikaw?"    "Volleyball na ‘rin."        Mula pa kanina ay halata ko na ang pagtitinginan ng mga tao samin? O kay Ruru?May dumi ba kami sa mukha?    "Oh!  si Ryle oh." Tinuro ni Ruru si Ryle na  malapit sa exit ng mall.     Hindi katulad kay Damon, wala akong ibang naramdaman. Walang reaksyon ang puso ko. Kay Damon kasi ang likot ng puso ko at halos hindi ako makahinga.    "Hi Zands! Hello Ru!" Bati ni Ryle sa amin dahil nilapitan niya kami. We smiled back.    "Uwi na kayo?" Sumabay siya sa paglalakad sa amin palabas.    "Ah, oo e." Nahihiya kong sabi. Busy na naman kasi si Ru sa cellphone niya.   "Hatid ko na kayo? Uuwi naman ako eh." aniya nang nasa labasan na kami ng mall.     Umihip ang pang hapon na hangin. Nag-aagaw dilim na ‘rin. Tanda na malapit na gumabi.    "Ah sige gabi na ‘rin naman kasi." Si Ruru ang sumagot and she giggled at sumulyap siya sa akin.    I rolled my eyes.  Nasa tabi ko si Ryle at may sinasabi kay Ruru. Ginala ko ang paningin ko sa mga tao sa labasan ng mall.     Nabigla ako ng mahagip ng tingin ko si Damon. Nakahilig siya sa kanyang chevrolet at naninigarilyo. He is not alone he's with Clinton.   Naninigarilyo siya? Hindi kita nila Ruru at Ryle dahil nakatalikod sila sa banda ni Damon, ako naman ang nakaharap.     Kumalabog ang puso ko nang makita ang madilim niyang titig.Nabigla ako ng ituro ako ni Clinton. What? Bakit ako tinuro?         "Pwede ba kayong yayain bukas ng gabi?" tanong ni Ryle sa akin.    "Saan naman?" tanong ko sa kanya pero ang totoo. Wala sa kanya ang atensyon ko.     Sumulyap ako ulit ako sa banda nila Damon ay halos mabuwal ako.He is looking at me intently. His brooding eyes telling me he's  dangerous.     Ewan ko kung bakit matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin!Wala akong ginawang masama! Siguro nagalit siya dahil sa cookies ko noong kailan? Pero tinapon niya yun di’ba? Ako dapat ang magalit! Iniwas ko ang tingin.     "Birthday ko kasi.Mag sicelebrate ng konti. Sa Twilite lang naman."    "Really? Sure! Asahan mo kami ni Zandria doon." Natawa ako dahil si Ruru ang sumagot.    "Is that okay?" Ryle asked me.    I pouted and nodded. "Sige ba."    Ryle smiled.Tiningnan ko ulit ang banda nila Damon. Only to find out na nakatingin parin siya sa akin.     What?  Halos himatayin ako sa kabog ng dibdib ko. May sinabi si Clinton sa kanya at umiling iling si Damon na ikinatawa naman ni Clinton.     Kita ko ang paghagod ng tingin sa akin ni Damon at halos ikabuwal ko. F Ganyan ba talaga siya? Umiling ito at pumasok sa kanyang sasakyan.     God! Makita lang kita Damon ay masaya na ako.Hinatid naman kami ni Ryle.Nakatunganga ako ngayon sa kisame nag iisip ako kung ano ba ang gagawin ko ulit para kay Damon?     I maybe look like stupid thinking about this. Kahit na may girlfriend siya ay okay nalang. Kung saan siya masaya susuportahan ko siya.      Sana nga lang pansinin niya man lang ako at ang effort ko minsan. Bakit ba kasi hindi niya yon magawa?Kung ang iba ay nagbibilang ng sheep para makatulog. Ako naman ay ang pag iisip kay Damon ang ikinatulog ko.      Hanggang sa panaginip ko ay siya parin. Damn, baliw na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD