O

2974 Words
KUMUNOT ANG noo ni Autumn nang maramdaman ang sinag ng araw na tumama sa kanyang mga mata. Mas lalo nitong pinapasakit ang kanyang ulo! Hahawakan niya na sana ang kanyang sentido upang masahein ito pero tila ba may pumipigil sa kanyang mga kamay sa paggalaw, pati na rin sa kanyang mga paa. Nagmulat ng mata si Autumn at sinalubong siya ng puting kisame. Kumunot ang kanyang noo at sinubukang gumalaw ngunit hindi siya makagalaw! Agad bumangon ang kaba sa kanyang dibdib no’ng napatingin sa mga kamay na nasa ibabaw ng kanyang ulo. Kapwa ito nakatali gamit ang mga necktie! And what’s worse, hindi ito ang kwarto niya! Natatakpan ng itim na comforter ang kanyang katawan at sobrang lambot ng kanyang hinihigaan. Ramdam niya ang lamig ng comforter sa buo niyang katawan, senyales na nakahubad siya at tanging undergarments lang ang suot. Alam niyang nakasuot pa siya ng bra dahil sumasakit ang kanyang dibdib. Hindi siya sanay matulog na may suot na bra. Pero bakit siya nakahubad? Sumuka ba siya o ano? Pilit niya inalala ang mga nangyari kahapon. Sa pagkakaalam niya’y uminom siya, tapos. . . anong kasunod? Mas lalong sumakit ang kanyang ulo sa kakaisip kaya pinikit niya ang kanyang mga mata. Alam niya namang hindi siya ginalaw dahil wala siyang maramdamang kakaiba sa kanyang katawan bukod sa kanyang mga nakagapos na kamay at paa. May isang tao ang biglang pumasok sa kanyang isip. Hinala niya’y ito ang nagdala sa kanya rito. Bumukas bigla ang pinto kaya napatingin siya roon. “Wow, gising na pala ang mahal na reyna.” So tama ang hinala niya? Si Knoxx nga ang nagdala sa kanya rito? Inis niya itong tiningnan na ikinaatras ni Knoxx. “Woah, kalma,” sabi nito nang makita ang nag-aapoy niyang mga mata. May bitbit itong tray na naglalaman ng pagkain. Biglang nanuot sa kanyang ilong ang aroma na galing dito. Kumalam ang kanyang tiyan pero hindi niya muna pinansin ang gutom na naramdaman. “Bakit mo ako tinali?” tanong niya sa lalaking kaharap. Inilapag nito ang tray sa bedside table at saka umupo katabi ng kanyang mga paa. “I’ll tell you the story. But promise me you won’t kick me once I let you go,” kalmadong sabi nito. Marahan siyang tumango. Nakatingin ito sa kanya habang dahan-dahang tinatanggal ang necktie sa isa niyang paa na tila ba nanigurado na hindi niya ito sisipain. Napairap si Autumn sa kanyang isipan. Doon niya lang ito sisipain kapag may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan pero wala naman. Hindi siya gano’n ka-wild! Nang makita sa kanyang reaksyon na wala itong balak sipain siya, binaling nito ang atensyon sa pagtanggal ng mga necktie. Autumn breathe out a sigh of relief upon the release of her hands and feet. Hinawakan niya ang comforter habang umupo sa kama at mas lalo itong binalot sa kanyang katawan. Sinusundan lang ni Knoxx ang bawat galaw niya. Tiningnan niya ito sa mata. “So, what happened?” tanong niya rito. Knoxx reached for his phone inside his pocket without taking his eyes off her. Binaba nito ang tingin sa hawak na cellphone at nilapag ito sa kama. Kitang-kita ni Autumn ang recorder na naka-play. Kumunot ang kanyang noo nang marinig ang boses niya. “Knoxx, please, I’m so damn horny. I already stripped for you. See?” Nanlaki ang kanyang mata sa narinig. Tumingin siya kay Knoxx na para bang tinitingnan ang bawat reaksyon niya. Ngumuso ito na para bang nagpipigil ng tawa. Muli niyang ibinaling ang atensyon sa recorder. “Autumn, no. Huwag ka masyadong gumalaw! Hindi pa maayos ang pagkakatali!” mariing sabi ni Knoxx na tila ba pinapagalitan siya. Narinig niya ang pagtahimik at tanging malalim na paghinga ni Knoxx at mga kaluskos lang ang kanyang mga narinig. Maya’t maya lang ay narinig niya ang kanyang hagulhol na ikipinagtaka niya. “You don’t want to f**k me? I can pleasure you the way you want to be pleasured so f**k me, please,” she begged while crying. Umiwas siya ng tingin kay Knoxx. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha sa mga narinig! What had she done? Anong sumapi sa kanya ba’t niya nasabi ang mga katatagang iyon? ‘I can pleasure you the way you want to be pleasured’? What the fck, Autumn? Sinabi niya lang kanina na hindi siya wild pero ano itong mga naririnig niya ngayon? It’s telling her otherwise! Kinagat niya ang kanyang labi at pinikit ang kanyang mga mata sa kahihiyan. Nagpatuloy pa rin ang recorder. Dahan-dahan siyang humiga at itinakip ang comforter hanggang sa kanyang ulo. Narinig niya ang pagtawa ni Knoxx. Mas pinikit niya pa ang kanyang mga mata at humawak ng mahigpit sa comforter. Holy s**t! Wala na siyang mukha na ihaharap kay Knoxx! Tiyak aasarin siya nito! “Didn’t know that you could be this wild. Aphrodisiac nga naman,” natatawang sabi nito atsino’ndot ang kanyang paa. Pinatiran niya ang kamay nito at mas lalo itong natawa. Ayan, nagsisimula na itong mang-asar! Pero ano raw? Aphrodisiac? Nakainom siya no’n? Pero paano? Pilit inaalala ni Autumn ang mga nangyari sa bar pero hanggang sa pagkuha lang ng red juice ang kayang alalahanin ng kanyang utak. Iyon ba ang may halong aphrodisiac? Naramdaman niyang tumayo na ito. Binuksan ni Autumn ang mga mata. Sumalubong sa kanya ang comforter na nakatakip sa kanyang mga mata. Narinig niya ang pagbukas ng cabinet at ang pagtapon nito ng kung ano mang bagay sa kanyang tabi. “Bumangon ka na r'yan at kumain. I put fresh clothes beside you,” sabi nito bago binuksan ang pinto upang lumabas. No’ng nasara na nito ang pinto, ibinaba niya ang comforter hanggang leeg at babangon na sana pero gano'n na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita si Knoxx sa tabi ng pinto, nakasandal sa pader at may nang-aasar na ngiti sa labi. Akala niya ba’y lumabas na ito? Inaasar lang pala siya ng lalaki! Kinuha niya ang unan na nasa tabi at itinapon dito. “Pakshet ka!” sigaw niya. Tawa-tawa naman itong lumabas. No’ng sure na siya na nakalabas na ito, isinubsob niya ang nag-iinit na mukha sa unan at impit na tumili. Hiyang-hiya siya sa naririnig! Kung alam niyang may gano'ng pakulo ang Butterfly Bar edi sana’y hindi na siya pumunta roon! May isang bahagi sa kanyang utak na nagpasalamat kay Knoxx. Kung mag-isa talaga siyang pumunta roon at hindi binabantayan ni Knoxx, panigurado pinagtripan na siya ng ibang lalaki. Gano'n na lang ang kilabot na kanyang nadarama sa naisip. She exhaled at 'saka lang niya naalala ang pagkaing bitbit ni Knoxx nang maamoy ang aroma nito. Bumangon siya at nakita ang kanyang damit na suot kahapon sa kanyang tabi. Nakatupi na ito at paniguradong malinis na. Hinala niya’y may washing machine at dryer ang lalaki sa banyo. Nagtungo siya sa banyo bitbit ang kanyang malinis na damit at hindi nga siya nagkamali. She took off her undergarments at nilagay ito sa washing machine pagkatapos ay sa dryer. Nang matuyo na ito, saka na siya naligo. Sobrang lagkit na ng pakiramdam niya! Pagkatapos niyang maligo, nag-apply siya ng kanyang nakitang lotion at roll-on saka lumabas sa banyo. She wrapped her hair using the towel habang patungo sa kama. No’ng nakaupo na siya, tiningnan niya ang pagkain. Gano'n na lang ang tuwa niya nang makitang dynamite ang ulam na paniguradong galing sa Kim’s! May kape rin na hindi pa natimpla at tablet na para siguro sa hangover niya. Kinuha niya ang termos na naglalaman ng mainit na tubig at nagtimpla ng kape. Afterward, she prayed and licked her lips before eating. DAHAN-DAHAN siyang bumaba at sinilip ang buong kabahayan ni Knoxx ngunit hindi niya nakita ang lalaki. Napangiti siya at tuluyang bumaba pero laking gulat niya no’ng nakasalubong niya si Knoxx. Malademonyo itong nakangisi at may hawak na bluetooth speaker. “Uh, Knoxx, I want to kiss your lips so bad. Fck me hard, please.” Hala, putangina! Sinabunutan niya si Knoxx sa narinig. Sobrang lakas ng tunog at sure siyang maririnig ito kapag may dumaan sa labas ng bahay ng lalaki! Pinaghahampas niya si Knoxx no’ng hindi pa rin nito pinatay ang speaker. Natatawa itong umilag at pinagsasangga ang kanyang mga kamay. “Bwiset ka!” matinis na sigaw niya malapit sa tenga nito. Nakita niya ang pagngiwi ng lalaki at ang paghawak nito sa kabilang tenga. Akala niya titigil na ito pero hindi! Mas lalo itong tumawa at inilayo ang speaker sa kanya no’ng sinubukan niya itong kunin! Autumn felt frustrated. Nag-iinit ang tungkil ng kanyang ilong at gilid ng kanyang mga mata. Pinaghahampas niya sa dibdib ang lalaki. Di niya mapigilan ang mapaiyak. Oo na! Siya na iyakin! Hiyang-hiya na nga siya dadagdagan pa nito! “Napaka-insensitive mo!” singhal niya dito at patuloy na pinaghahampas ito sa dibdib. Knoxx turned off the speaker and tried to hold her fists. Sinubukan siya nitong pigilan ngunit hindi siya nagpatinag. Inis na inis siya dito! Grabe kung mang-asar! “Pakiramdam ko wala na nga akong mukha na maihaharap sayo, eh, 'tas may paganyan ka pa!” pagpapatuloy niya. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. “Autumn stop. I’m sorry,” mahinahong sabi ni Knoxx pero parang walang narinig si Autumn. No’ng 'di na nakatiis, hinawakan ni Knoxx ang magkabila niyang balikat at inilayo siya mula rito. Sinubukan niyang kumawala ngunit mas malakas ang lalaki! Mas lalong umiyak si Autumn. She feels so powerless! Hindi malaman ni Knoxx kung ano ang dapat gagawin nang mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Autumn. Inabot nito ang kanyang mukha at sinubukan siyang sampalin ngunit napigilan niya ito. He held Autumn’s wrist and pulled her closer to him. Hinawakan niya sa bewang ang babae. Bago niya ito siniil ng halik, kitang-kita niya pa ang panlalaki ng mga mata nito. Ang plano ni Knoxx ay patatahimik lang ito gamit ang isang halik ngunit, hindi niya inaasahan ang sensasyong nadama na dulot ng init na hatid ng mga labi ni Autumn. Para nitong hinihimay ang buo niyang pagkatao at nagdulot sa kanya ng ibang kiliti. Knoxx moved his mouth and his heart rejoiced when Autumn responded to his kisses! Autumn encircled her arms around Knoxx’s neck. Hindi niya inaasahan ang ginawang paghalik nito sa kanya at mas lalong hindi niya inaasahan ang kanyang pagtugon. Malalim, mainit, at parang sabik na sabik si Knoxx na matikman ang kanyang mga labi. Kumawala ang ungol mula sa kanyang bibig nang kinagat ni Knoxx ang ibabang labi niya. He bit it gently and suck it. Para siyang nalalasing sa mga halik na pinagsaluhan nila ni Knoxx. Umusbong ang apoy sa pagitan ng kanilang mga halik nang magsimula itong lumalim. Hindi na maiintindihan ni Autumn ang takbo ng kanyang utak. All she can think about is how great Knoxx’s kisses are. Masyado itong nakakaliyo at nakakawala ng ulirat, just like before. Knoxx inserted his tongue inside her mouth, hinahanap ang tamis nito. Pakiramdam ni Autumn ay nangangapal na ang kanyang mga labi sa pinagsaluhan nilang malalim na halik. Nag-iinit ang kanyang katawan at parang kinikiliti nito ang kanyang kalamnan lalo na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita. Idagdag pa no’ng nagsimulang gumalaw ang mga kamay ni Knoxx sa kanyang likod. She played with Knoxx’s hair while responding to his hot and wet kisses. Sobrang mapusok ng mga halik ni Knoxx na tila ba’y ayaw nito na may dadaang hangin sa pagitan ng kanilang mga labi. Saglit na inilayo ni Autumn ang mukha para makasagap ng hangin pero wala pa yatang isang segundo ay hinabol na naman ni Knoxx ng halik ang kanyang mga labi. Knoxx carried her and put her on the kitchen table. Unti-unti itong pumapaibabaw sa kanya. Autumn can feel her heart racing due to excitement. Pumipintig na rin ang kanyang mga ugat sa sensasyong ipinadama sa kanya ni Knoxx. Napasabunot siya sa buhok ni Knoxx at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit ng kanyang mga paa sa balakang nito dahilan upang magkadikit ang maseselang parte ng kanilang mga katawan. Knoxx groaned in her lips at gigil na pinisil ang kanyang bewang. Inilayo nito saglit ang mukha at muli siyang hinalikan. Autumn can hear her heartbeat ringing in her ears. Mas malakas ang sigaw nito kesa sa kanyang utak! Tila wala na sa tamang pag-iisip si Autumn nang masahein ni Knoxx ang kaliwang parte ng kanyang dibdib. Knoxx moved above her, rubbing his covered manhood against her covered feminity. Pero kahit natatakpan pa ng damit ang maseselang parte ng kanilang mga katawan, ramdam niya pa rin ang init na hatid nito. Bumaba ang mga halik ni Knoxx sa kanyang leeg. Kinagat niya ang nangangapal na labi at napahawak ng mahigpit sa buhok ni Knoxx. Suddenly, Knoxx’s phone rang. Ramdam niya ang pag-vibrate ng cellphone nito sa kanyang hita. Naimulat niya ang kanyang mata at itinulak ito ngunit hindi pa rin ito nagpatinag. Patuloy ito sa paghalik ng kanyang leeg at pag-iiwan ng mga marka doon. “Knoxx,” mahinang tawag niya sa binata at sinubukan itong itulak ngunit mas lalo itong nagpabigat na tila ba ayaw matapos ang paglalaro nila ng apoy. Pilit ikinontrol ni Autumn ang sarili na huwag magpadala kaya muli niyang tinawag si Knoxx gamit ang malakas na boses. Inis itong umalis sa ibabaw niya bago kinuha ang cellphone sa bulsa nito. She licked her sore lips. Her chest heaved up and down. Pakiramdam niya’y tumakbo siya ng ilang milya sa pinagsaluhan nilang mainit na halik. Tiningnan niya ang labi ni Knoxx at nakita niya na sobrang pula ng mga ito. She did that? Ganyan din kaya ang itsura ng kanyang mga labi? Kinagat niya ang labi sa naisip. Kitang-kita niya ang inis sa mga mata ni Knoxx habang tinitingnan kung sino ang caller. Bumaling ito sa kanya. “Next time, I’ll turn off my phone,” sabi nito bago sinagot ang tawag at iniwan siya sa ibabaw ng mesa. What did he mean by that? Sino’ndan ni Autumn ng tingin ang likod ni Knoxx na papalabas ng kusina habang hawak ang cellphine malapit sa tenga nito. Napatingin siya sa ceiling. Hindi siya makapaniwala sa nangyari! Nahahapo niyang sinapo ang dibdib at tinampal ang kanyang noo. Bakit ba siya nagpadala? She mentally scolded herself. Bumaba siya sa kinahihigaan at napahawak sa malapit na upuan. Hindi siya makatayo nang maayos. Nanginginig ang kanyang tuhod. Ang lakas ng epekto ng mga halik ni Knoxx at animo’y siya ay nalasing! No’ng kumalma na ang kanyang katawan, tumayo siya at nagsalin ng tubig. Pakiramdam niya’y nanuyo ang kanyang lalamunan sa pinagsaluhan nilang halik kanina! Unti-unting kumalma ang nagraragasa niyang dibdib. Kinagat niya ang kanyang labi, iniisip pa rin ang mga pangyayaring panigurado’y hindi niya na naman makakalimutan kahit anong pilit niya. . . katulad nalang sa nangyari sa kanilang dalawa tatlong taong nakaraan. Kahit anong pilit niyang iwaglit ito sa kanyang isipan, parang may sariling mga paa ang memoryang iyon at pilit bumabalik sa kanyang utak. “Let me take you home.” Napatalon sa gulat si Autumn sa boses na narinig at bago pa siya tuluyang humarap dito, ang papalayong likod ni Knoxx nalang ang kanyang nadatnan. Binaba niya ang hawak na baso, hinugasan, at binalik sa lalagyan bago ito sino’ndan. Nakita niyang naghihintay ito sa kanya sa labas, nakatutok ito sa cellphone. Bumaling ito sa kanya no’ng nakita ang kanyang paglabas saka pumunta sa pinto upang i-lock iyon. Autumn can feel the awkward atmosphere at ang tensyon na namagitan sa kanilang dalawa. Kinuyom niya ang kanyang kamao bago nagtungo sa sasakyan ng lalaki pero naka-lock pa rin ito. Sasabihan niya sana si Knoxx ngunit naramdaman niya ang presensya ng lalaki sa kanyang likod. Humarap si Autumn kay Knoxx ngunit nanigas siya sa kanyang kinatatayuan nang makitang sobrang lapit ni Knoxx sa kanya. Sumandal siya sa pinto ng sasakyan at napalunok. Mabigat ang mga mata ni Knoxx habang nakatingin sa kanyang labi. Itinukod ni Knoxx ang mga kamay nito sa kanyang gilid, trapping her. Nagsimulang rumagasa ang kakaibang kaba sa dibdib ni Autumn lalo na no’ng hinaplos ni Knoxx ang kanyang pang-ibabang labi. Ang paghaplos na ginawa nito ay nagdulot ng kiliti. Knoxx’s attention is on Autumn’s slightly parted lips. Hindi niya pa rin nakakalimutan kung gaano kalambot ang mga labi ng babae. Knoxx’s eyes went up and they held each other’s gaze. Nag-aapoy ang mga mata nito, hindi sa galit, kung hindi, dahil sa pagnanasa. “Mind if we continue what we have started?” Knoxx asked huskily. Nanlaki ang mga mata ni Autumn sa narinig at kinusot ang tagiliran ng lalaki. Ngumiwi ito at humawak sa tagiliran bago sumubsob sa kanyang leeg at pumadyak-padyak na parang bata. Nagulat si Autumn nang maramdaman ang p*********i nito sa kanyang hita. He’s still hard! What the fck? “Feel it?” nahihirapang tanong nito. Sinipa ni Autumn ang binti nito at marahang itinulak. Lumayo naman ito at nakanguso siyang tiningnan. “Ang horny mo, gago! I-mariang palad mo nalang iyan!” sabi niya dito. Wala itong nagawa kundi buksan ang pinto at pumasok sa sasakyan. Sumunod naman siya rito at hindi ito pinansin buong byahe. Gano'n din ito. Inis ang nakaukit sa mukha nito dahil sa nangyari kanina na naudlot dahil lang sa isang tawag. Wala silang imikan hanggang sa nakarating sa kanilang tahanan. Bumaba siya, hindi na nag-abalang magpasalamat pa sa lalaki, at pinindot ang kanilang doorbell. Tahol nang tahol si Pitchy. She pat Pitchy’s head at wala pang ilang segundo ay nabuksan kaagad ng kanyang mga nanay-nanayan ang pinto. “Autumn, anak— ohlala sino naman itong poging dala mo? Bakit pamilyar?” tanong ng kanyang nanay Oracion. Lumingon siya sa kanyang likod at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nakasunod ito sa kanya. Hinapit siya nito sa bewang at hinarap ang kanyang mga nanay-nanayan bago nagpakilala. “Dr. Knoxx Silva po, boyfriend ni Autumn.” Nahimatay ang kanyang mommy Flor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD