BINUKSAN ni Autumn ang mga mata at umupo sa kanyang kama. She stretched her arms and yawned. Ang sarap ng tulog niya! Tumingin siya sa orasan at napasimangot nang makitang malapit nang mag-alas dies ng umaga. She calculated the hours she slept. She slept for 10 freaking hours! Grabe, gano'n na ba talaga siya kapagod kagabi? Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagulat nang makitang sobrang dami ng missed calls ni Knoxx. May sampu itong missed calls! Hindi siya makapaniwala na sa dami ng tawag na ginawa ng lalaki ay hindi man lang siya nagising. Iba talaga ang tulog na dahilan sa pagod. Kumunot ang kanyang noo nang makitang may isang mensahe na galing din sa lalaki. Napangiti siya nang mabasa ang laman 'nun. Parang kinikiliti ang kanyang tiyan. Pero agad bumalik ang kanyang atensyon sa m