“PREPARED na ang lahat. 'Yong wedding gown mo nalang at tuxedo ko. Tsaka pala yung cake,” ani ni Knoxx sa kanya habang nakatingin sa salamin. Nasa banyo sila sa bahay ni Knoxx at nasa likod siya nito, nakasandal sa pinto habang tiningnan ang pinanggawa ng lalaking kaharap. Nagshe-shave ng balbas ang lalaki at bawat pagdaan ng razor sa shaving cream ay napapahanga siya. Ang smooth tingnan! Parang gusto niya ring ma-try! Tiningnan siya ni Knoxx sa salamin at napatigil ito sa ginawang pagshe-shave. Bumaling ito sa kanya. “Gusto mo try?” Nagniningning ang mga mata ni Autumn habang nakatingin sa razor. May shaving cream pa sa blade nito. Tatanggapin niya na sana ito nang biglang may bumangon na pag-alala sa kanyang dibdib. “Pero baka magkamali ako? Baka masugat