ANG buong akala ni John, hindi na nila pag-uusapan si Simone. Pero pagdating sa condo ni Kana ay hinarap siya nito, kagat ang labi at namumula ang gilid ng mata. “Alam mo bang naiinis ako, John?” Naikuyom din nito ang labi kapagkuwan. Mukhang pinipigilan nito ang nararamdaman nito. “I’m tired of her! Guess what kung ano ang nagpapataas ng dugo ko ngayon?” “A-ano ‘yon, hon?” nauutal na tanong ni John. “I know, hindi totoo ang video na ‘yon. Pero ang isiping ikaw ang kasiping niya that night? Ughh!! My heart hurts, John!” Tumingin pa ito sa kanya na at napaseryoso. “H-hindi ko alam ang gagawin kapag naging totoo ‘yon.” “H-hon,” “Hindi ‘yon totoo, right? Hindi mo naman gagawin ‘yon sa akin. I know you.” Natigilan si John. Paano ba niya sasabihin kay Kana na hindi siya sigurado? What if