Here Comes the Groom AiTenshi Part 43 "Marami pa namang pag kakataon Mr. Gulatera, saka medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil sa sunod sunod na araw na pag pupuyat," ang tugon ko naman sabay tayo sa kainan kaya wala rin siyang nagawa kundi ang tumayo rin. "Okay lets go," ang wika rin niya Sumakay ako sa kanyang sasakyan at pinag drive niya ako pauwi. Wala akong kibo, nakatingin lang ako sa bintana at pilit na nag babalik sa aking isipan si Ronnie. Para isang upper class na katulad niya na sanay sa marangyang buhay ay sadyang napaka mahirap mag trabaho na maya't maya kang inuutusan. Ewan, nakaramdam tuloy ako ng awa at pag guilty noong mga sandaling iyon. Habang nasa ganoong pag iisip ako ay naramdaman kong humaplos ang kamay ni Albert sa aking hita at saka niya ako hinalikan sa labi