"I missed you…" bulong ni Eli sa kanya. Natigilan si Maia sa narinig. Napatitig siya sa binata kahit di niya naaninag ang mukha nito. Namiss din naman niya ang binata. Sobrang nagseselos siya noong nakaraang makita niya ito na kasama si Elise. Ngayon hindi na. Dahil hindi naman siya ang mahal ni Elise. Lungkot na may kasamang awa ang nararamdaman niya para sa binata. Bakit hinahayaan ni Eli na lokohin siya ni Elise ng ganoon katagal? Gusto nang bumuka ng mga labi niya para tugunin ang mga sinabi ng binata pero nanatili siyang pipi. May mga bagay na pumipigil sa kanya. Hindi niya mabasa kailanman ang nasa isip ng binata. Kahit nga pakikitungo nito sa kanya magulo. Magulo din ang relasyon nito kay Elise. Pero kahit ganun gusto niyang iparamdam kay Eli na nandito lang siya. Parang handa n