Kinabukasan tinanghali na ng gising si Maia. Nakatulog pala siya sa guestroom. Mabilis na iniligpit niya ang laptop na nakabukas pa rin at lumipat ng kuwarto nila. Wala si Eli nang pumasok siya sa silid nila. Naligo siya kapagkuwan. Hindi na siya nag-abalang tanungin ang katulong nila na nasa hardin kung saan nagtungo ang binata. May nakahaing pagkain na din sa mesa nila. Napakunot ang noo niya ng makita ang nakadikit na note. Hula niya si Eli ang may gawa nun. Kinilig naman siya sa mensahe pero gusto niyang marinig at maramdaman iyon mula kay Eli. Gutom na siya kaya kinain na niya iyon. Wala pang limang minuto ay dumating na ang binata. May mga dala itong pinamili. Marahil ay nag grocery. Ngumiti ito sa kanya. Gumanti din siya. Mapakla nga lang. Inayos nito ang mga pinamili sa k