Hindi na siya umuwi ng apartment dahil tinamad na siya. Nagpadeliver na lang siya bandang alas-otso ng gabi sa opisina. Inilibre na lang din niya ang lady guard nila na panggabi. Pinagkasya niya ang sarili sa couch, gaya ng dati. Naka-off ang kanyang telepono kaya naman walang istorbo. Gusto niyang matulog ng maaga, hindi na rin niya inabala ang sarili na mag-isip ng kung ano-ano. Kinabukasan maaga siyang nagising at umorder ng pagkain. Binuksan niya ang kanyang telepono. Sunod-sunod na tiningnan niya ang nagtext. Si Eli. Hindi niya mabilang. Wala siyang binasa ni isa. Text ni Jigs lang ang binuksan niya. Pagkabasa ay idinial niya ang numero ng telepono nito sa bahay nito. Ini-off niya ulit ang telepono niya mayamaya . "Buti tumawag ka, MJ. Pwede bang ikaw na lang umattend? Ang sama