DAWN: LUMIPAS ANG PANAHON. Nakasandal ako sa sofa habang hawak-hawak ang kape. "Dawn baka gusto mo namang sumama sa 'kin at lumabas tayo paminsan. Lumalaki na si Sean, habang buhay mo na lang bang ikukulong ang sarili mo kay Liu?" Si Mei ang nagsalita. Napatingin ako rito at ipinatong ang tasa ng kape. "Pinili kong makulong sa pagmamahal ko kay Liu." "Dawn naiintindihan kita. Pero paano ang anak niyo ni Liu? Don't you think it's about time to move on?" Napakunot noo ako. Hindi ko nagustuhan ang huling salitang sinabi nito. Move on? Alam ba n'ya kung gaano ko sinubukan noon na pakawalan si Liu pero bigo ako. Liu is everything to me. "Mei naalala mo ba noong gabing sumulat ako ng liham para kay Liu?" Tanong ko. Matagal na panahon na ito. "Noong gabing kabilugan ng buwan at payapa an