bc

Genovia Academy 4: The untold

book_age16+
690
FOLLOW
2.7K
READ
drama
tragedy
twisted
mystery
like
intro-logo
Blurb

I guess this is a never ending story. All of the questions will be answered here. So if you know what happned in book 1, 2 and 3 be prepared.

chap-preview
Free preview
EPISODE 1
A/N: THIS CHAPTER IS THE EPILOGUE OF BOOK 3. FOR YOUR CONVINIENCE THIRD PERSON’S POINT OF VIEW May nagaganap na Battle sa Academy at narito si Generous upang maging husgado samantalang si Heronui naman ang pansamantalang naiwan sa Aither. Nangangalahati na ang araw ngunit marami pang battle ang mangyayari. Siguro ay nasa 30 % na ng mga estudyante ang natapos na sa kani-kanilang battle. Tatagal kasi ng Tatlong araw ang Annual Academy Battle Exam. Natapos na kahapon ang mga nasa Primary Level at kasalukuyang Secondary Level na ang nakasalang sa battle field. Wala ring on going classes ngayon dahil sa Annual Exam. Pero ang seguridad at mga gwardiya ay lalong humigpit lalo pa't marami ang nakakapasok na Hindi mag-aaral kapag ganitong abala ang lahat. Mula nang maitayong muli ang paaralang ito ay may hindi inaasahang lumitaw na Paaralan din sa labas ng Genovia. The other worlds established their own School so the younger generations would have a choice, however. Genovia’s young ones aren’t allowed to go outside their world. Para sa Genovia ay maaari itong maging banta sa kaayusan at kaligtasan ng mgga mamamayan lalo pa’t nagsilitaw ang mga paaralan na ito ng hindi kinukunsulta ang main palace. Wala rin naman silang maggawa dahil wala namang nilabag na batas o pamantayan ang nasabing mga paaralan, sa ngayo. Nakatayo ang Gusali sa labas ng Mga Kaharian at ng iba pang mundo. Kumbaga ay may Kabute na bigla nalang tumubo na. Pinagaaralan na din ng mga dalubhasa ang lahat ng galaw ng mga taga kabila at hindi nila hinahayaang may pumunta doon na mga estudyante ng Genovia Academy. Once you entered the academy, no one is allowed to visit or go near the other Schools for safety purposes as well. Sa ngayon ay wala namang kahit anong banta mula sa kabila ngunit negatibo ang lahat ng enerhiya ang nagmumula doon. Wala din naman ang tumatawid patungo rito, hindi nga sigurado kung ilan o gaano karami ang mga taga roon. "Halt!" Sigaw ng isang miyembro ng Faculty. Nahinto ang laban at kapwa lumabas ng battle field ang dalawang kalahok. May lumapit na scorer kay Generous. Tulad kanina ay nilagyan niya ng marka ang dalawang naglaban. Halos tabla at di nagkakalayo ang galing ng dalawa kaya't mediyo napaisip si Generous. Muling nagtawag ng dalawang bagong kalahok ang faculty. Parehong Wizard ang magkalaban. Naging interesado si Generous dahil isang babae at isang lalaki ang maglalaban. "Envasco!" Unang gumawa ng hakbang ang lalaki, nawala ito sa pwesto niya at mukhang aatake ano mang oras. Tahimik ang lahat na nakatingin sa babaeng kalahok. Wala itong ginagawa. Nakatayo lang ito habang iniikot sa hintuturo ang dulo ng berde ning buhok. ''Elementum recolligo huic locus. Commodo mihi vestri vox. elementum unda ego dico vos. permissum pluit. is est meus nos sic vadum is exsisto.'' Maririnig ang tinig ng lalaki sa lahat ng sulok lugar ngunit hindi parin siya nagpapakita. Ilang minuto ang lumipas ay biglang umulan sa kinatatayuan ng babae. Nagkaroon ng ulap sa ibabaw ng ulo niya at malalakas na magkulog. Wala paring ginagawa ang babae kahit basang basa siya ng tubig. Hanggang sa bigla siyang tamaan ng kidlat. Nagulat ang lahat ng biglang siyang maging abo. Naningkit ang mata ni Generous. Labag sa patakaran ng Laro ang pumatay ng kapwa estudyante kaya't alam niyang hindi pa tapos ang laban. Ang mga nanonood ay naghihintay din sa mangyayari. Lumitaw sa gitna ang lalaking Wizard at saka ngumiti sa mga kababaihan. Nagtilian naman ang mga ito at isinisigaw pa ang pangalan ng binata. Ngunit hindi natutuwa si Generous. Habang nagmamalaking kumakaway ang lalaki ay lalong naniningkit ang mga mata ni Generous. Hindi parin kasi nagsasalita ang isang miyembro ng faculty na siyang tagapamagitan sa laban upang i-anunsiyo ang nanalo o kaya ay ideklarang tapos na ang laban. Biglang pumasok sa isip niya ang pinsang si Shirron Firro habang tinititigan ang binata. Akmang idedeklara ng tapos ang laban ng bigla na lang tumilapon ang binata. Nagtaas ng kilay si Generous at saka nangalumbaba. Nasira ang bakod ng battle field ng tumama ang binata doon. Bumangon naman agad ito at mabilis na pumorma. Maingat siyang bumalik sa flatform ng battle field at nakiramdam sa paligid. Naalarma siya ng liparin ng hangin ang abo ng dalaga. Naglabas ito ng wand pero laking gulat ng lahat ng bigla itong lumipad pataas. Napamura ito at sinubukang habulin ang sarili niyang Wand. Gumamit siya ng floating spell para lumutang sa ere ngunit tila kontrolado ng kalaban niya ang Wand. Ang nagmamay-aring binata ang tinutukan ng sariling wand at pinatatamaan siya ng puting enerhiya na nagmula sa dulo nito. Tinamaan siya sa tuhod, nang bumagsak ang binata sa sahig ay nahulog ang wand sa tabi niya. Pinulot niya agad iyon upang magamit niya ngunit hindi ito sumusunod sa kanya. Nagpa-ikot ikot ito at kung saan saan pumunta. Nagtawanan ang mga taga academy dahil para na siyang sumasayaw. Pinaglalaruan siya ng sariling Wand at hindi naman niya magawang bitiwan. Nakarinig si Generous ng hagikhik ng babae sa tabi niya ngunit wala naman siyang katabi. Ang mga hurado sa paanan niya ay pawang mga lalaki. "You’re not allowed to go out of the battle field." Saad ni Generous ng maramdaman niyang nasa tabi niya ang dalagita. Batid niyang nais nitong makuha ang kanyang pansin. "Paumanhin, Kamahalan." Sabi nito at saka naglahong muli. Lihim na ngumiti si Generous dahil doon. Hindi niya maikukubling humanga siya sa simple ngunit magaling na paraan ng dalagita sa pakikipaglaban sa kabila ng bata nitong pag-iisip. Bumalik ang tingin niya sa battle field. Nakatayo na lang doon at halatang pagod sa nangyaring kapilyuhan ng dalaga. Maya-maya ay nagulat ang lahat ng lumitaw ang dalagita sa mismong likuran ng binatilyo. Dahil sa reaksiyon ng mga manonood ay lilingunin niya dapat ang kalabang babae ngunit bago pa mangyari iyon ay nahawakan siya nito sa batok at kasunod noon ang pagkawala ng kanyang ulirat. Nagpalakpakan ang lahat. Maging si Generous ay napatango-tango sa kinauupuan. Batid niyang bukod sa pagiging Wizard ay may iba pang abilidad ang dalagang iyon. Muli ay binigyan niya ng nararapat na puntos ang dalawa ng lapitan siya ng Scorer. Lumabas na ang babae sa battle field habang hinihila sa isang paa ang nakahandusay na katunggali. Nagpatuloy ang sunod-sunod pang mga laban ng biglang may narinig silang kaguluhan sa labas ng Arena. Nagsimula ding magbulungan ang mga nasa loob at kanya kanyang tanong kung ano ang nangyayari sa labas. Ang iba ay lumabas narin para maki-usyoso. Kalamadong tumayo Generous at naglakad pababa ng Arena. Nakasunod sa kanya ang Ilang kawal ng palasyo ng Aither kaya't agad na tumatabi ang mga taong nakaharang sa daan. Hindi magarbo ang suot ni Generous , Sa katunayan ay Simpleng Kulay puting Long sleeves na dikit sa kanyang balat ang pang-itaas niya at Fitted silk skinny pants ang pambaba. Nakasuot lang siya ng hanggang tuhod na puting sapatos. Nakatali ang buhok niyang pilak na pilak. Ganoon lang siya lumabas ng palasyo. Hindi nakagown ng pagkagarbo-garbo at hindi naka-korona. Gayunpaman ay kilala parin at iginagalang. Nang makalabas ng Arena ay nakita niya ang mga nagtatakbuhang mga Tertiary students na parang may hinahabol. May mga kawal ding mga nakasakay sa mga itim na pegasus ang dumagsa. Mga kawal ng palasyo, At Naroon din ang kadarating lang na si Norm. Nakasakay ito sa isang Brown na pegasus. Nagmamadali ang tiyuhin niya at tila may hinahanap sa mga tao. Kaya lumabas siya sa gitna ng nagkukumpulang estudyante upang makita siya nito. "Uncle." Tawag niya rito. Nagliwanag ang mukha nito ng makita siya. Lumipad agad siya at lumapit sa tiyuhin. "Kailangan mong sumama sa akin, Mahal kong Prinsesa." Sabi ni Norm. May pag-aalala sa mukha nito. "Bakit? Anong kaguluhan ang nangyayari?" "Hindi ko din maipaliwanag. Pero kailangan mong makita ang tinutukoy ko. Tiyak na maiintindihan mo." Sumenyas si Norm sa isang Puting pegasus. Pumwesto agad iyon sa tabi ni Generous kaya't mabilis siyang sumampa sa nilalang. "Yah!!" Usal ni Norm. Mabilis na umarangkada ng lipad ang mga pegasus nila ni Generous at pumunta sa direksiyong pinuntahan ng mga tertiary at kawal. Mabilis nilang naabutan ang mga ito at naunahan pa. Narating nila ang kagubatan na kasunod na matatagpuan sa labas ng lupain ng Academy. Nauna silang dalawa na makarating doon. Dumapo ang pegasus ni Generous sa isang sanga ng dambuhalang puno at si Norm naman ay nanatiling nasa himpapawid. "Uncle anong hinahanap natin dito?" Tanong niya sa tiyuhin. "Intruder, my dear Niece." Deklara ng tiyuhin. Agad na nangunot ang noo niya. "Intruder?" Tanong niya ulit. Napaisip agad siya. Hindi kaya ay taga kabilang eskwelahan lang ang nagpunta rito at naglakas loob na pumuslit sa lupain ng Genovia? "Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag sa iyong mga magulang sa oras na malaman nila ito. Kaya kailangan natin iyong mahanap." Nag-aalalang sabi ni Norm. "Paano niyo nasabing mga tagalabas ito?" Tanong ni Generous habang pinakikiramdaman ang kagubatan. "Bigla na lang silang sumulpot sa Harap namin. Sa harap mismo naming dalawa ng Kakambal mo." Nagulat si generous sa narinig. "Sila?" Ulit niya kung tama ang pagkakarinig niya. "Tatlo sila." Klaradong lahad ni Norm.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.6M
bc

Descendants Of The Moon Goddess

read
94.4K
bc

The Venerable Swordsman

read
2.8K
bc

Revenge On The Rejected Alpha

read
14.8K
bc

Supreme Emperor of Swords

read
1.9K
bc

Wolfe's Blind Moon

read
77.8K
bc

Her Forbidden Mate

read
21.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook