ISANG PAPASALUBONG na sasakyan kay Janicah ang naging dahilan ng paggising niya mula sa pagkakatulog. Kasabay niyon ay ang biglaan din niyang pagbangon mula sa pagkakahiga. Halos nahabol niya ang kaniyang paghinga nang magising. Napapalunok na muli niyang ipinikit ang mga mata. Hinawakan niya ang kaniyang buong katawan na wala namang masakit o ano pa man. Kay bilis ng t***k ng kaniyang puso. Mayamaya pa ay nasapo niya ang kaniyang noo. Isang bagsakan na fresh memories ang bigla ay nagsibalikan sa kaniyang alaala. Muli ay inilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid. Nasa loob siya ng isang silid. Ayos naman ang kaniyang katawan. Kinurot pa niya ang kaniyang sarili para lamang masigurado na nasa realidad siya at wala sa isang panaginip lamang. Nang makaramdam ng kirot dahil sa pagkak

