“SIGURADO ka ba, hubby, na binyagan ang pupuntahan natin?” nangingiti pang tanong ni Janicah kay Ezekiel. Paano naman kasi, may pinapunta pa talaga ang kaniyang asawa sa bahay nila para mag-ayos sa kaniya nang umagang iyon. “Bigating ninang at ninong,” nakangiti namang sagot ni Ezekiel na napakapormal din ng datingan ng mga sandaling iyon. He’s wearing a three piece suit. While her, she’s wearing a white plugging neckline gown. Medyo lapat ang laylayan niyon sa mismong sahig. Nakasuot naman siya ng kulay puti ring three inch high heels shoes. At ang kaniyang buhok ay nakaayos din. Nakabagay iyon sa kaniyang suot na gown. It was a twisted back hairstyle with front strands. May maliit na flower designed pa iyon na hair comb na nakalagay sa likuran niya. Eleganteng-elegante nga silang ti

