PAGKASINDI sa kandila ay inalalayan pa ni Ezekiel si Janicah sa muling pagtayo. May gumuhit na ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ang puntod ni Don Alozo. Hi, ‘Lo,” aniya sa kaniyang isipan. Pasensiya na kung ngayon lang po ulit ako nakadalaw sa inyo ni Lola Esmeralda. Siguro naman po, alam niyo na rin ‘yong nangyari sa akin nitong mga nakaraang taon. Kaya alam ko po na nauunawaan ninyo kung bakit ngayon lang po ulit ako nakabalik dito. Salamat po sa patuloy na paggabay sa buong pamilya po natin. Kailanman, ‘Lo, hindi ka po nawala sa puso’t isipan ko. Sana, magustuhan po ninyo ni Lola Esmeralda ang dala kong mga bulaklak… ‘Lo, isa ka po ba sa nagligtas sa akin noong araw na naaksidente ako? O hindi ko pa lang din talaga oras noon kaya po hindi pa rin ako natuluyan? Kung ano man

