“GOOD morning,” masigla pang bati ni Vince nang makalabas sa beach house sina Janicah at Jenny. Gusto tuloy kumunot ng noo ni Janicah. Hindi kasi niya alam kung sino ba ang binabati ni Vince? Siya ba o si Jenny? Nang pasimpleng sulyapan ni Janicah si Jenny ay sa iba nakatuon ang tingin nito. Mukhang patay malisya sa pagbati ni Vince. O ‘di kaya naman ay iniisip nito na siya ang binabati ni Vince kaya hindi ito natugon. “Good morning,” nakangiti pang ganting bati ni Janicah sa binata. Nahuli pa ng ubod-talas na paningin ni Janicah ang sandaling pagtapon ng tingin ni Vince kay Jenny bago iyon ibinalik sa kaniya. “Okay ka na ba? Feel better?” concern pang pangangamusta ni Vince kay Janicah. Tumango siya. “Okay naman ako. Nag-e-enjoy ka naman ba rito sa Casa de Playa?” tanong pa niya kay

