CHAPTER 14: “NICOLAI, WHAT ARE you doing here?” nagtatakang tanong ni Conor. Iyan din ang tanong ko, pero mukhang mas nagtataka si Conor. Wala na kasi talaga akong binanggit sa kanya tungkol kay Nicolai after he fetch me at the hotel. Wala na siyang kaalam-alam tungkol sa akin. Ayaw ko man na magtago ng sikreto sa kanya, but I guess this was the best for us. Nicolai scratches the back of his head then turns his head to me. “I. . . I need to talk to Eury.” Nangunot ang noo ko, ano namang pag-uusapan namin? “Anong—” Bago pa man ako makapagsalita, naunahan na ako ni Conor. “What do you need to talk to Eury? I mean, is it about work?” Nicolai smiles. “Yeah, about work.” Naniwala naman si Conor sa idinahilan ni Nicolai kaya hinayaan niya akong isama si Nicolai sa garden ng bahay namin.