CHAPTER 1:

1221 Words
CHAPTER 1: GALIT NA GALIT ANG MGA MATA NI DADDY habang nakatitig sa akin. Kung makatingin siya, animo'y gusto niyang tirisin ang isang kutong-lupang kagaya ko. I looked exactly like my father, from his eyes to his nose, and lips. Even his skin color, I was almost his carbon copy. Pero hindi ako kagaya niyang mabait sa ibang tao, pero sa pamilya naman ay sobrang strikto. "Why did you agree to model on an alcoholic beverage company?" mahinahon pero halatang galit na tanong niya. I sighed. "Because I want to?" "Eury!" galit na sigaw niya. Finally, he let out the dragon inside him. "Hindi kita pinalaki para ibalandra ang katawan mo sa men's magazine o sa mga kalendaryo!" Napahilot siya sa kaniyang sentido. "Kitang-kita iyong kaluluwa mo sa mga litratong 'yon and it's making me angry just by looking at those pictures! Do you know what my co-workers said when they saw your photos?" Tumaas ang kilay ko sabay kibit-balikat. "I don't know?" "Por vida!" bulalas niya. "They said that you should just take off the last piece of cloth around your waist! Kamuntikan ko pang masapak 'yong katrabaho ko!" I smiled. "Don't worry, Dad. I will do what your co-worker suggested next time." Tumalikod na ako kay Daddy at dumiretso paakyat sa hagdan. Ilang beses niya akong tinawag, ilang beses niya akong binantaang bumalik dahil hindi pa raw kami tapos mag-usap pero hindi ko ginawa. Dahil paulit-ulit na lang naman ang sinasabi niya sa akin. Bakit hindi na lang kaya niya i-record sa phone niya then send it to me so I can just hear it over and over again just like what he want? Wala naman akong pakialam kahit na magalit siya, this is my life and I am adult now so I can do everything I want. Dito ako masaya, masaya ako kapag nababasa ko ang comments ng mga tao tungkol sa akin. The way they say how sexy I am, it made my heart so happy. Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ko, bumungad sa akin ang puro kulay puti at gold na disenyo nito. The curtains were all white, the walls are painted with white and gold. All of the furnitures as well are gold and white. My room is my favorite place in our house. No one could disturb me here dahil kahit kalampagin man nila ang pinto ng kwarto ko, hindi ko bubuksan dahil palagi akong may earphones. I sat down on my bed and touched the fury white and gold bedsheet of it. Hindi ko alam kung bakit nagagalit si daddy sa akin. Hindi ba siya proud na nagpalaki siya ng isang sexy at magandang anak? I am his beautiful masterpiece and he should be proud that he created Eury Jazz! His only daughter. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri pagkatapos ay hinagilap ang phone ko. Narito lang sa kama iyon kanina, hinagis ko. When I finally found it under the bed sheet, kaagad kong binuksan ang social media ko. Sunod-sunod na lumitaw ang notifications na kailangan ko pang hintaying matapos bago ako makapagbrowse. Ilang minuto rin ang lumipas nang huminto ang pag-pop up ng messages at nakapag-browse na rin ako sa wakas. Hindi ko pinansin ang mga messages ng fans sa akin at dumiretso kaagad sa timeline. I posted my picture that I captured earlier. It was me the moment I woke up this morning. Segundo pa lang ang lumipas, ilang likes at hearts na kaagad ang natanggap ko. Kahit papaano ay nawala ang stress ko sa mga sinabi sa akin ni Dad. My life, my rule. That's my principle. Alam kong matigas ang ulo ko, but that was because life made me like this. Kapag conservative ka, people will gossip and say that you will just end up being curious of lustful things. Kapag masyado ka namang liberated, they will accuse you of being a slut. Wala kang kawala sa mundong puno ng judgemental. That's why I chose to expose my real self. The real me that wants everyone's sympathy. I want modeling, I love how people drool over my body. Ayaw kong manahimik na lang na parang isang birheng walang kaalam-alam sa buhay. . . Well, I'm still a virgin. That's because my dignity is still intact. Ayaw ko namang ibigay ang kaisa-isang bagay na dapat ingatan ng isang babae sa kung sinong manloloko lang. I'm still waiting for the right guy— I mean, Nicolai Arman Olivero. For me, he's the one. Walang ibang makapapalit sa kung paano niya napalaglag ang aking panga. He was oozing sexy that it turned me on everytime I see him dance on the dance floor. He's also good at singing; that's because he's part of Sexy Seven! I sighed and browse on my phone. Ito na naman ako't nagpapantasya sa kaniya. Madalas akong pumupunta sa high-end bar na pagmamay-ari niya pero hindi pa rin kami nagkikita! My friends told me to stop waiting for him since there are lots of guy whose even better than him. But nope, wala nang mas better pa sa kaniya. Nagkibit-balikat na lamang ako't tumayo mula sa pagkakaupo. Much better siguro kung mas maaga akong pupunta sa bar. Siguro maaga siya roon? Every Saturday night, pumupunta kami sa O’ Sweet Night. Iyon ang pangalan ng bar, Kuya raw ni Nicolai ang original na may-ari ng bar pero dahil namatay na ito, he end up running the business. Matapos maligo, I made sure to pick the sexiest outfit for tonight. Black halter top, a denim jeans and a pair of black high-heel boots. Itinali ko rin ang bagsak at kulay brown kong buhok to reveal my neckline. Hindi na ako masyadong nag-make up. Masyado na akong maganda para maglagay pa ng sobrang kolorete sa mukha. Palabas ng kwarto, tinatawagan ko na si Margarette. Saglit lang ay sumagot na kaagad siya. "Why are you so excited ba?" she asked annoyed. "I'll go there alone right now, sunod na lang kayo. I'm bored and Dad's here, kilala n'yo naman 'yon!" Nagsimula akong bumaba ng hagdan. Una kong sinilip ay kung nasa sala ba si Daddy or si Mommy, mabuti na lang at wala. Dahil for sure, kung ano-ano na naman ang sasabihin no'n! "Talaga ba? Is it really about your Dad or you want to see if he's there?" I heard her teasing tone. "S'yempre, kasama na 'yon!" I chuckled. I don't have to deny it, they know about this, obviously. "O sige, wait there. Magbibihis lang ako. Call Tracy and tell him na mauuna ka." "Yup, I will." She ended the call after that. Dumiretso na ako palabas ng bahay. Binuksan ko ang gate at lumabas, but the moment I was about to close it again, I saw Dad with his mad expression. "Eury Jazz!" Nakasunod ang kabit niya sa kaniya, halatang gusto siyang pigilan. Dali-dali kong isinara ang gate at patakbong umalis. "Eury Jazz! Bumalik ka ritong bata ka! Gabi na!" But I didn't look back. I don't care! Hindi na ako bata para pagbawalan niya pa ako "Eury Jazz! H'wag kang uuwi sa pamamahay ko!" Napahalakhak na lang ako habang tumatakbo. I'm wearing a high-heel boots and it hurts, but what he said made me laugh. Kapag hindi kasi ako umuwi, tatawag 'yan bukas to tell me na hindi na siya galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD