EVANGELINE "BABE, what's going on?" Kumunot ang noo niya nang tanungin niya ako sa bagay na ito. Hindi ko siya kayang komprontahin kung bakit kasama niya si Sonia, kung bakit kasama niya ang pinsan ko at narinig ko siya narinig mula sa kabilang linya. "Sergio, just be honest with me, I want the truth," mahina kong wika. I looked into his eyes and tried to know his real feeling, kung magsasabi ba siya ng totoo sa akin. "Babe, wala akong kabit, at mas lalong hindi kita niloloko. You're the only one in my life." Hinawakan niya ako sa aking balikat at naramdaman ko rin naman ang kanyang pagiging totoo. But I don't want to show him that I immediately believed what he told me. "Kung gano'n, bakit kasama mo pa rin si Sonia the moment na tumawag ako sa'yo?" Napalunok siya at nakita ko iyon

