Taki Suarez's POV; 'Ikapapahamak mo yang ginagawa mo Taki.' 'Kung may gusto kang protektahan kailangan mong lumaban.' Hindi naman bigdeal yung nangyari sakin bakit pakiramdam ko may gusto pa silang sabihin sakin. "Taki ayos ka lang?" Napaangat ako ng tingin kay Jun ng umupo ito sa gilid ng kama ko. "Ayaw ba sakin ng Black Chasers?"out of the blue na tanong ko kay Jun na kinakunot noo nito. "Ayaw sayo? Mukhang hindi naman." Sagot ni Jun na kinaiwas ko ng tingin. 'Kaya ayoko sa taong yan masyadong mabait.' "Posible bang ayawan ka dahil sa mabait ka?" Tanong ko na kinatawa ni Jun. "A-Anong nakakatawa?" Nagtatakang tanong ko kay Jun na kinatigil nito bago salubungin ang tingin ko. "Masyado ka kasing mabilis magtiwala Taki naalala mo pa yung sinabi ko sayo nung una kang dinala dito ni