3rd Person's POV;
"Yo Porter himala andito ka." Bungad ni Gray habang nakahiga sa lap ng binatang si Titus na umiinom ng beer.
"Nasaan si Jairus?" Tanong ni Jiro bago pumasok sa pinaka kusina ng classroom at kumuha ng isang beer.
"Malamang nakabuntot kay Jun." Sagot ni Mathias habang nakikipaglaro ng chess kay Neon Maximus.
"Asan na si Kuya Taki?" Bungad ni Devin pagkalabas ni Jiro sa kusina habang nakaupo sa sahig at naglalaro ng rubics.
"Nasa dorm ko." Walang ganang sagot ni Jiro bago umupo sa teachers table at naiinis na nilaklak ang hawak na beer.
"Araw araw na yata kayong may Lq pati na din sina Jun." Komento ni Mathias ng hindi man lang tinapunan ng tingin ang kausap.
"Oo nga buti pa sina Gray at Titus hindi nag aaway." Pagkukumpara ni Devin na kinangiwi ni Gray.
"Nag aaway din kami hindi lang namin pinaabot ng limang minuto." Sagot ni Gray na kinaismid ni Titus.
"Wag ka ng mangialam Devin hindi mo din naman sila maiintindihan bata ka pa." Pang aasar ni Maximus na kinagusot ng mukha ni Devin.
"Hindi na ako bata!" Sigaw ni Devin na kinalingon ni Maximus.
"Tiyaka mo na sabihin yan pag may experience kana." Sagot ni Maximus dahilan para hampasin siya ni Mathias ng notebook sa ulo.
"Go to hell!" Galit na galit na sigaw ni Devin bago tumayo at lumabas ng classroom.
"Ang pikon naman masyado nun." Nakakunot ang noong komento ni Maximus.
"Tigil tigilan mo na ang pang aasar kay Devin hindi na bata yun para itriggered mo ng ganyan ikaw din baka mag sisi ka." Ani ni Mathias habang humihithit ng sigarilyo.
"Teka ngayon mo lang yata ako pinagsabihan ng ganyan lagi ko namang inaasar y---."
"Wag kasing manhid." Putol ni Titus habang nagsisindi ng sigarilyo na kinatawa naman ni Gray.
"Teka nga bakit ako nahotseat dito sina Porter ang may problem---."
"Nah hindi bigdeal yung samin." Putol ni Jiro na kinangiwi ni Maximus dahil sa halatadong pinagtutulungan siya.
---
"Tangna niya." Naiinis na mura ni Devin habang nasa field at binaling ng inis sa damong nasa harapan niya na walang kaano anong binubunot.
"Interesting ang pang anim sa kinakatakutang Mafia boss sa Russia nagbubunot ng damo." Komento ng lalaking walang kaano anong umupo sa tabi ni Devin.
"Tigil tigilan mo ako Yuan wala ako sa mood para makipag siraan ng araw sayo." Nanggigigil na sambit ni Devin.
"Here." Napaangat ng tingin ang binata ng mag abot ng can ng softdrinks si Yuan.
"Wag mo akong tingnan ng ganyan wala pa akong balak mamatay." Makahulugang sambit ng binata bago buksan na ito gamit ang daliri at iabot yun sa binata.
"Wala akong sinasabi pero mabuting alam mo ang mangyayari sayo pag may nilagay ka ng kung ano dito." Ani ni Devin bago umayos ng upo at kuhanin ang inabot na softdrinks ng lalaki.
"Ano palang ginagawa mo dito himala nag iisa ka." Tanong ni Devin na kinaismid ni Yuan.
"Kasalanan niyo yung tatlo nawalan na ako ng gana." Sagot ni Yuan na kinatawa ni Devin dahil sa naalala niya yung mukha ng White Fang ng bigla silang sumulpot sa classroom nila.
"Oo nga pala Yuan." Ani ni Devin na kinatingin ni Yuan.
"May tanong ako." Dagdag ng binata na kinaismid ng lalaki bago uminom ng hawak nitong beer.
"Pano makipag sex." Out of the blue na sambit ni Devin dahilan para maibuga ng lalaki ang iniinom nitong beer at sunod sunod na mapaubo.
"D-Damn ano bang klaseng tanong yan?" Ani ni Yuan habang hawak ang bibig niya at nakakunot ang tiningnan si Devin.
"Pag nakipag s*x ka adult kana?" Dagdag ng binata na kinatigil bahagya ng lalaki ng makita ang frustration sa inosenteng mukha ni Devin.
"Kung tama ako sa calculation ko 18 kana nasa legal age kana...ako nga 16 years ako ng magkaroon ako ng experience." Tila proud pang sinabi ng lalaki na kinatingin ni Devin.
"Tuturuan mo ako?" Tanong ni Devin na kinasamid ni Yuan.
"Anong gusto mo idemo ko pa sayo lahat?" Nakangiwing tanong ni Yuan na kinakunot noo ni Devin.
"Pftt wtf! Haha wala ka ngang alam!" Komento ni Yuan ng makita ang inosenteng expression ng binata na kinagusot ng mukha ni Devin dahil sa pagtawa ng lalaki.
"Fine tuturuan kita pero tayong dalawa lang muna mahirap na baka makabuntis ka pa mapatay ako ni Tito." Ani ni Yuan bago bahagyang luwagan ang suot nitong necktie at umuklo para ilapit ang mukha kay Devin.
"Wala naman akong pake kung babae o lalaki ang kasex ko." Nakangising sambit ni Yuan bago hawakan ang magkabilang balikat ng binata at isandal sa puno.
"Wala din naman akong pakialam." Bulong ni Devin bago umiwas ng tingin ng---.
"f**k!"
"Yuan!" Sigaw ni Devin ng mapahiga si Yuan ng may taong bigla na lang sumuntok sakanya.
"Anong ginagawa mo Roswell!!" Bulyaw ni Maximus matapos nitong kwelyuhan ang binata.
"Are you kidding?" Walang buhay na tanong ni Devin bago walang kaano anong tabigin ang kamay ni Maximus at itulak palayo.
"Nakita mo namang may ginagawa kami ni Yuan diba? Tapos itatanong mo kung anong ginagawa ko?" Nagdidilim ang anyong sambit ni Devin bago tulungan si Yuan na tumayo.
"Punta kana lang sa dorm ko kung gusto mo ituloy yung kanina." Nakangising sambit ni Yuan bago tingnan si Maximus na parang nang aasar pa ng mas magdilim ang anyo ng binata.
"Ano ba?!" Sigaw ni Devin ng walang kaano ano itong hilahin ni Maximus kung saan dahil sa mas doble ang laki ni Neon sa binata hindi na ito nakapalag.
Devin Roswell's POV;
Laging pang asar ang expression ni Maximus at ni minsan hindi ko pa nakita ang ganitong expression niya pag magkakasama kami---.
"An---."naputol ang sasabihin ko ng walang kaano ano niya akong ipasok sa kwarto niya at isandal sa likod ng pinto.
"So? Balak mong makipag s*x kay Yuan dahil lang sa sinabi ko kanina?" Nagdidilim ang anyong tanong ni Neon na kinatuyo ng lalamunan ko.
Kahit mafia boss ako pag nagkataon wala pa din akong laban kay Neon bukod sa wala akong experience w-wala talaga akong kayang gawin.
"S-Siguro nga tama k-ka bata pa din ako dahil kumpara sainyo nina Kuya Mathias walang wala ako." Naiiyak na sambit ko habang nakayuko.
Bata pa lang ako nakaatang na sa balikat ko ang napakalaking responsibilidad bilang tagapagmana.
Maagang namatay ang parents ko at tanging tito ko na lang ang nag palaki sakin siya din ang nagtrain sakin bilang tagapag mana ng pamilya pero hindi ko yun nagagawa ng tama kaya kinailangan ko pa ng tulong nina Neon at Kuya Mathias na hindi nag dalawang isip na alalayan ako.
"Wala akong kayang gawin maliban sa umiyak at lumapit sainyong dalawa ni Kuya." Dagdag ko na---.
Literal na nanlaki ang mata ko ng iangat ni Neon ang mukha ko at walang kaano anong halikan ang mga labi ko.
"N-Neo---."
"Ang dami mong sinasabi." Walang buhay na sambit ni Neon.
"Ayoko ng tinatawag mo akong bata dahil hindi na ako ba---."
"Alam ko balak mo na ngang makipagsex kay Yuan diba?" Nag iigting ang pangang sambit ni Neon na kinatigil ko sandali.
"Ano namang pake mo kung makipag s*x ako? Sina Kuya Jiro,Kuya Jairus at sina Titus pwed---ummmp!" Parang nablangko ang utak ko ng siilin niya nanaman ako ng halik na kinayukom ng kamao ko.
"Ano ba?!" Sigaw ko bago buong lakas siyang tinulak na kinaatras niya ng konti.
"Ano bang ginagawa mo Neon?!pwede ba tama na?! Hindi na ako bata alam ko na ang ginagawa ko hindi mo kailangan gawin ito dahil lang sa gusto mo akong tulungan!" Naiiyak na sigaw ko.
Bakit pa kasi ang gagong ito ang nagustuhan ko?! Bakit siya pa!
Marahas kong pinunasan ang pisngi ko bago harapin si Neon na nakayuko.
"Hindi ko kailangan ng tulong m---."
"Then don't accept this as my help." Putol ni Neon na kinabato ko sa kinatatayuan ko ng salubungin niya ang tingin ko.
"Akala mo ba ginagawa ko ito dahil lang sa gusto mong mangyari?" Malamig na dagdag ni Neon bago itapon kung saan ang suot niyang necktie.
"Pinipigilan ko ang sarili ko at pilit na pinapasok sa utak ko na bata ka pa para singilan ka sa mga ginawa ko para sayo." Ani ni Neon na kinatigil ko.
"Bata pa lang tayo sinusuportahan na kita dahil binilin ka ni tito sakin at ang pangako ay pangako." Dagdag pa nito habang tinatanggal ang botones ng suot nitong longsleeve na kinabulabog ng buong sistema ko.
'A-Ano b-bang ginagawa niya.'
"Kahit hindi mo hinihingi tinutulungan kita kahit kay Mathias pa yun." Dagdag niya na kinapikit ko ng umangat ang kamao niya at walang kaano anong sinuntok ang pinto sa likuran ko.
"Alam mo ang kalakalan ng pamilyang meron ako diba?" Ani niya na kinamulat ko at ikaangat ng tingin.
Kilala ang mga Maximus sa pagiging mukhang pera gumagalaw sila ng naayon sa ibabayad sa kanila.
Pumapatay sila naayon sa utos ng pera hindi sa kahit na sino.
Pero yung mga hinihingi kong tulong kay Maximus wala siyang hinihingi sakin na kahit ano a-akala ko---.
Naiyukom ko ang kamao ko at tiningnan siya ng masama.
"Ano bang gusto mo?magkano binayad ni papa para tulungan mo ako? Magkano idadagdag ko." Nagdidilim ang anyong tanong ko na kinangisi niya.
"Magkano?" Tanong niya bago bahagyang lumayo at nakapamulsahang tiningnan ako.
Sa tayo niya ngayon hindi ko maiwasang mas humanga pa sakanya napaka manly ng features ng mukha ni Neon kaya kahit sinong babae o...lalaki mapapahanga sakanya ganun din naman sina Kuya Jiro pero si Neon iba ang features niya para sakin.
Hindi ko alam pero alam kong mali ito dahil sa pareho kaming lalaki.
Pero ano nga bang mali dito?
"Pano kung hindi pera ang gusto ko." Out of the blue na sambit ni Neon na kinagising ng diwa ko.
"Kunin mo na lahat ng ari ariang meron ang pamilya ko wag lang ang clan yun lang ang---."
Naputol ang sasabihin ko ng walang kaano anong hapitin ni Neon ng bewang ko at sumiksik sa leeg ko.
"Ikaw at ang puso mo lang ang gusto ko Devin." Bulong ni Neon na kinabilis ng t***k ng puso ko at kinagulo ng buong sistema ko.
"A-Anong sinasabi mo N-Neo---."
"Sa ayaw at gusto mo akin kana." Putol ni Neon bago ako tingnan.
"Makakawala ka lang sa kasunduang gusto ko pag pinatay mo na ako." Dagdag ni Neon na kinabato ko sa kinatatayuan ko.
P-Patayin?para makawala.
Naguguluhan ako pero isa lang ang pumapasok sa utak ko.
Binablackmail ako ng putanginang ito.
Pero sa lahat ng pangbabablackmail niya dito lang yata ako pinakanatuwa.
"G-Gago ka lagi mo na lang ako binablackmail *sob*." Naiiyak na sambit ko bago hawakan ang kwelyo niya at siilin siya ng halik na kinalaki ng mata niya.