Kabanata 41.. KAPWA SILA walang imik habang umaandar ang sasakyan. Hindi niya sinusulyapan si Juriel habang ito naman kahit hindi niya tapunan na lingunin nahuhulaan niya itong tinatapunan siya nito ng tingin. Pero wala sa isipan niya, ng huminto sila kung saan sila unang dumating kanina. Pasimpleng napangiti siya sa walang sabing ginawa nito. Kahit paano nakikinig parin ito sa kaniya. Kompleto parin ang sasakyan na nakaparada doon, ibig sabihin isa sa mga poty ay walang umalis bukod tangi lang talaga silang dalawa ng binata. Naulinigan niyang bumukas ang pintuan sa gilid niya, ng pindutin nito ang remote ng sasakyan. Walang kibong sabay silang lumulan pababa ng sasakyan at ng makalapit ito sa kaniya wala parin kibong inabot nito ang palad niya at sabay parin silang naglakad papasok s

