Kabanata 8.. NASA PAGTITIKLOP siya ng kumot sa loob ng kuwarto ng binata na biglang napabitaw siya ng sa hawak. Agaran at wala man lang itong katok ng pumasok ang binata sa loob ng sariling kuwarto nito. Mabuti na lamang at nakakita siya ng T-shirt na hindi bababa hanggang tuhod at minadali niyang isinuot. Hindi siya nagkakamaling matagal na iyon naandoon nakapatong dahilan may kaunting alikabok ngunit ang bango bango parin sa kaniyang pang amoy. Gawa na sigurong mamahalin ang pabango nito kaya 'di rin agarang maalis iyon. Agarang napaharap siya sa pagkagulat. Sino nga ba ito para kumatok, ganoong kaniya ang bahay na ito at nangahas lang naman siyang pumasok at nakitulog? Hindi mapatid ang sunod-sunod na paglunok ng laway at isabay pa ang pag ragasa ng malakas na kaba ng dibdib s