Kabanata 10.. "Na miss po kita 'nay." ma emosyong pagsabi niya kasabay ng pagyuko upang abutin ang palad nito ngunit mapait ang mukha nitong umatras palayo sa kaniya, kaya natigilan siya. Agarang bumalatay sa dibdib niya ang kirot. Kirot na hindi kayang tanggapin sa puso niya. "Ayoko ng drama Amanda! Akina ang kinita mo." asik na wika nito sa kaniya. Ang palad nitong ngayon ay naka lahad sa kaniya at tila batang bukas sarado. "Ano pang tinitingin tingin mo! Iabot mo sa kin ang perang kinita mo!" bulyaw pa nitong utos. Sa mukha nito ang mahalaga lamang dito ay ang pera. Ngunit saan siya kukuha ng pera? "Na-na-nay." kandautal niyang sagot. Hindi alam kung ano ba ang sasabihin dahilan pag dineretsya niya itong wala siyang pera tiyak magkakanda atungal ito sa galit. "Akina!" hiyaw n