Kabanata 62.. PITONG BUWAN ang nakalipas.. "Carmela!" hiyaw ni Tiyang sa pangalan na nakasanayan nitong tawag sa kaniya, "Ideliver mo sa kabilang street ang mga ulam!" utos nitong hiyaw, nasa loob siya ng kasina sa mga oras na 'yon. Nagpasya siyang bumalik na lang nang karenderya matapos maiuwe ang kaniyang ina sa kanilang bahay sa probinsya. Pinalipas muna niya ang dalawang linggo na kasama ito at ang kapatid bago siya ulit lumuwas ng nueva ecija. Ang iniwan na pera ni Juriel sa kaniya ay ipinatayo niya ng maliit na sari-sari store at pinaayus niya ang kanilang bahay at ang natira naman ay para sa paragastos ng mga ito sa araw-araw at pati narin sa mga bilihin gamot na pangangailangan ng kaniyang ina. Masaya at puno ng pangarap bago niya lisanin ang probinsya doon na lang niya hihin

