HINDI paawat ang kasiyahan na nararamdaman ni Yana. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito pagkatapos niyang lumaya sa kulungan. Ini-enjoy niya ang birthday party ni Mayor Vince dahil minsan lang ito mangyari. Humihingal na umupo siya sa tabi ni Acer. Ubos na ang isang case na beer na binili nito. "Bili pa tayong isang case, sir?" nakangiting tanong niya rito. "Ayoko, baka mamaya may gawin kang masama sa akin. Wala akong tiwala sa iyo, Yang." Sumandal siya sa balikat nito at saka tumingin sa mga nagsasayawan. Hindi naman nagreklamo si Acer sa ginawa niya. Gusto na niyang ipagtapat dito ang totoo. Ngunit paano niya iyon sisimulan? Paano niya sasabihin kay Acer na wala naman talaga siyang kasalanan sa pambibintang ng namatay nitong asawa sa kanya. Bumuga siya nang malalim at ipinikit an