Kabanata 20

1630 Words

NAGISING si Yana dahil sa malakas na aircon ng kotse ni Acer. Nilingon niya ito sa tabi niya ngunit wala naman na ito roon. Bumaba si Yana sa sasakyan at nakita niya si Acer na nakasakay sa likod ng kotse nito. Nakaangat ang compartment at doon ito nakaupo. Sumandal siya sa gilid ng kotse ni Acer at saka mahigpit na hinawakan ang kanyang jacket. "Okay ka na, sir? P'wede na ba tayong umuwi?" mahinang tanong niya rito. "Marami kasing lamok dito sa parking area, nakakapanghinayang lang na dito pa ako magkakasakit. Uso ang dengue ngayon, sir. Naranasan ko noong bata pa ako kaya ayoko nang maulit." Nilingon siya ni Acer na may hawak na energy drink. "Nahilo lang ako pero hindi ako lasing, Yang. Uuwi na tayo," seryosong sabi nito sa kanya. Inisip niya kung may nasabi ba siyang mali rito. Ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD