Sa mga sumunod na araw na pag stay nila ni Dylan sa Villa ay mas lalo silang nagkaroon ng oras sa isat-isa, mas nabigyan nila ng time ang pagsasama nila. Lumalabas din sila para mamasyal sa bayan ng San Miguel, bagay na hindi nila nagagawa sa tuwing nasa San Sebastian sila, dahil subsob silang mag asawa sa trabaho, buti na nga lang ay niyaya siyang magbakasyon ng asawa sa Villa matapos ang issue nila kay Dr. Luigi at Dra. Izzy, sana pagbalik nila ng San Sebastian wala na silang kahaharapin na problema, lalo na't ginagawa nila ang lahat para mabuntis na siya, at napag-usapan na nilang mag asawa na once na mabuntis siya titigil na muna siya sa pagtatrabaho para mahalagaan ang magiging anak nila. "Bakit dito tayo pumunta?" Nagtatakang tanong pa niya asawa nang pumasok sila sa loob ng isang s