"Did you just say, you love me?" He asked. Hindi siya pwedeng magkamali ng dinig I love you, Dylan ang narinig niyang ini ungol ng asawa. "Ah?" Gulat na sabi nito saka siya bahagyang tinulak palayo. "Ah.. Eh...," nakita niya ang pagkataranta sa kilos ni Hannah. Tumayo ito mula sa pagkakaupo, nais pa niyang matawa nang takpan ng asawa ang harapan nito. Saka nito dinampot ang itim na swimwear nito at dali-dali nitong sinuot iyon. "Hannah," tawag niya sa asawa at umahon na rin siya sa tubig. Mabilis namang nagtatakbo papasok ang asawa sa loob. "Hannah," tawag niya sa asawa pero nagtuloy na ito sa pagpasok sa loob. Napangiti naman siya, alam niyang tama ang narinig niya, nag I love nga sa kanya ang asawa. At marahil nahihiya ito sa sinabi nito, kaya umiwas na lang ito. "Hannah, I want t