"Dr. Santillan, pinapatawag po kayo ni Mr. Santillan sa opisina niya," sabi ng secretary niya pagpasok palang niya ng opisina. "Now?" He asked and rolled his eyes. Kagabi pa tawag ng tawag ang ama. Wala siyang idea kung ano ang kailangan nito. Masyado pa kasi siyang busy kay Hannah. Nais muna niyang matapos na muna ang misyon niya kay Hannah Flores. Para na rin mailipat na ang Villa Santillan sa pangalan niya. At pag nangyari na iyon tuloy pa rin ang plano niya. Sa simula palang plano na niyang bayaran ng malaking halaga si Hannah at dalhin sa ibang bansa para doon nito ipagpatuloy ang pag-aaral nito. Dahil na rin sa eighteen palang ito, bata pa rin kahit papano ay ipapasama niya ang nanay nito. Pakakasalan niya sa legal na paraan ang dalaga gaya ng gusto ng kanyang lolo, at pagkatapos