Kanina pa siya nakatingin sa labas ng bintana ng tinutuluyang silid. Iniisip kung tama ba ang desisyon niyang manatili siya sa bahay ni Dylan at magsasama sila nito bilang mag asawa. Hindi rin kasi niya maintindihan ang sarili kung bakit pumayag siya, basta naramdaman na lang niyang nais niyang makasama ang asawa kahit papano. Nais niyang makipaglaro rito, nais pa rin niya itong pahirapan tulad ng dati. Para kahit papano makaganti siya sa sakit na dinanas niya sa pagmamahal niya ng lubusan rito. Kailangan lang niyang maging maingat, dahil baka siya ang matalo sa larong nais laruin. Natawagan na rin niya ang ina para sabihin ang planong pananatili ng tatlong buwan sa pilipinas kasama si Dylan. Wala naman siyang narinig na ano mang pagtutol mula sa ina. Sinisuguro lang nito kung kaya na nga