Kinabukasan hindi muna siya pinapasok ni Dylan sa trabaho, kahit sinabi na niyang ok naman siya at kaya niyang pumasok, nais pa rin ng asawa na magpahinga na muna siya sa bahay. Sumunod na lang siya sa asawa, at pinaghanda ito ng almusal, pati damir na isusuot nito papasok sa trabaho. Kagabi napagusapan nila ang tungkol sa pagkakaroon na nila ng anak, handa na rin naman siyang maging nanay na. Napagdesisyunan nilang mag asawa na titigil siya sa trabaho pag nabuntis na siya, at gagampanan na lang ang papel ng isang may bahay. Habang hindi pa siya nabubuntis i e-enjoy na muna niya ang pagtatrabaho sa ospital, at ang pag-aasikaso sa asawa. Pinagpapasalamat din niyang nagkaintindihan sila agad ng asawa sa gusot na nangyari, mature at malawak ang pangunawa ni Dylan, naintindihan nito ang pagk