Tuwang-tuwa ang nanay niya nang ibalita rito ang pagbubuntis niya ang dami pa ngang pinagbilin nito sa kanya para alagaan ang sarili niya. Una na riyan ang iwasang magpa stress, at magpakapagod, sinabi rin ng nanay niya na kung kaya naman rin ni Dylan ay huwag na muna siyang magtrabaho. "Siguro po pag malaki na ng kaunti iyung tiyan ko, saka po ako hihinto sa pagtatrabaho, para naman po may exercise pa rin ako," tugon niya sa nanay niya habang kausap ito sa cellphone. Nasa silid na sila ni Dylan, nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard, habang minamasahe naman ng asawa ang paa niya. Natutuwa siya sa serbisyong ginagawa sa kanya ng asawa. Hindi na nga rin siya nito pinaghahanda ng pagkain nila, pati ang damit na susuotin sa pagpasok sa trabaho ito na ang naghahanda. May nananati