"Nay, ayos na ho kami ni Dylan," masayang balita niya sa ina. Agad niyang tinawag ang ina matapos nilang mag agahan ng asawa. Nagtungo si Dylan sa library may tatawagan lang daw ito, kaya naman nakakuha na rin siya ng pagkakataon para matawagan ang nanay niya sa New York. "Anong ibig mong sabihin na ayos na kayo ni Doc Dylan?" Tanong ng ina sa kabilang linya. "Nay, maayos na ho ang lahat sa amin, hindi na ho kami mag de-divorce," masiglang balita niya sa ina. Wala ng dahilan pa para mag divorce sila, dahil iisa naman ang damdamin nila sa isat-isa. Nagmamahalan sila, at sapat na iyon para manatili silang kasal at ipagpatuloy ang pagsasama nila. "Hindi na kayo mag de-divorce? Paano nangyari iyon anak? Hindi ba't kaya ka umuwi sa pilipinas at nagpasama kay Dr. Luigi para sa pakikipag di