"Sabihin mo Dylan kung ano ba talaga ang magiging papel ko ss buhay mo?" Mariing tanong sa kanya ni Hannah. Ayaw sanan niyang gawin ang bagay na ito sa unang gabi ng kanilang pagsasama, nais muna sana niyang mag celebrate sila ngayong gabi at saka na niya sasabihin ang mga plano kay Hannah pag maayos na ang lahat ng mga pinapaayos niya sa abogado. Pinangakuan siya ni Attorney na sa loob lang ng dalawang linggo maaayos ang lahat ng papeles tungkol sa paglipat ng Villa Santillan sa pangalan niya, at sunod naman ang mga documento ng mag ina pag alis ng bansa. May dalawang linggo pa sana sila ni Hannah para makapagsaya bilang mag asawa. Nakikita niya sa mga mata ni Hannah ang lungkot at sakit habang nakatingin sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya. Wala siyang planong saktan si Han