Mabilis na lumipas ang mga araw, nakabalik na siya muli sa trabaho, at nagpatuloy ang pagsuyo niya sa papa ni Dylan. Mahirap man pero kakayanin niya. Madalas nakakarinig pa rin siya ng mga insulto, binabalewala na lang niya, naiiyak man at nasasaktan pilit niyang kinakaya para sa asawa. Mula ng mangyari ang paghaharap nila ni Dra. Izzy hindi na niya muli pang nakita ang babaenh higad na haliparot na bumisita muli sa opisina ng asawa niya. Sana nga nagising na ang babaing higad na iyon na hindi nito maaagaw ang asawa niya. Kay Dr. Luigi naman wala pa siyang balita mula ng magpalit siga ng cellphone, hinihiling niyang sana nakabalik na ng New York ang lalake para wala ng makasabwat pa si Dra. Izzy at matigil na ang lahat ng gusot sa pagsasama nila ni Dylan. Para naman magtuluy-tuloy na ang