Chapter 17 TOMMY He’s like a freak, peeping through the window for the umpteenth time. Hinihintay niya ang buntis na dumating sa bahay niya para kunin si Tammy na pipilay-pilay din. Tapos na niya iyong paliguan at nakahilata na sa higaan ni Wrecker. And his dog is lying beside his new girlfriend. Nangingiti siya na parang siya lang ang aso niya na kung makagwardiya ay talagang hindi makakatakas ang babae. Maya’t maya no’n na dinidilaan ang ilong ni Tammy na wala na namang pakialam sa mundo at nakahilata lang. His dog will surely feel sad when he sends Tam-Tam back home. Nawala ang atensyon niya sa dalawang aso nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sinilip lang niya ‘yon at wala namang ibang nag-text kung hindi si Allissa lang. How are you? The woman asked. Hindi na niya pi