Chapter 24 TOMMY Napatigil si Tommy sa paglalakad papunta sa courtroom nang masalubong niya si Allissa sa pasilyo. Laking gulat niya na naroon ito kung kailan naman may hearing din sila ni Genesis tungkol sa diborsyo. The woman smiled at him but now he’s hesitant. Noon ay pinagkakatiwalaan niya ito pero hindi na ngayon. Napapaisip nga siya sa tuwing naaalala niya kung paano umiyak si Brie nang araw na madiskubre no’n ang lahat. Nag-uusap sila noon ni Allissa at ayaw man niyang mambintang, baka alam na nito na naroon ang girlfriend niya pero tuloy-tuloy pa rin na nagsalita. Who knows? Now that this woman is trying to meddle in his life affairs and so as to Brie’s, he couldn’t just figure out her agenda. “Tommy,” ang laki ng ngisi ng babae tapos at parang walang kasing saya ang