Kalmadong nakatingin si Leia kay Lana. Mukhang hindi ito makapaghintay sa mga gagawin niya. Ang lakas pa ng loob nitong sugurin siya. Kakarating niya lang sa lobby ng company at doon siya nito hinarang. Lana was obviously making a scene. "Masaya ka na?" singhal nito. Isang beses na humakbang si Leia palapit. She was wearing heels so she stood taller than Lana who was only in her flats. Simpleng pantalon at blouse lang din ang suot nito na ibang-iba sa pantsuit niya. Bahagyang napaatras si Lana sa paglapit ni Leia. "Hindi pa." kita ni Leia ang gulat ni Lana sa sagot niya. "Nagsisimula pa lang ako, Lana... Don't be too excited." pagkatapos ay nilampasan na niya ito at nakakakuha na sila ng atensyon. Natulala naman si Lana na naiwan mag-isang nakatayo doon. Pinagtinginan siya ng mga ta