Hindi naman ganito noon si Leia. Naging mabuti siyang asawa. Wala siyang ibang ginawa noon kung hindi ang alagaan ang mag-ama niya. Kaya sobrang sakit para sa kaniya ang ginawa ni Harry. She wanted to ask him kung ano ba ang pagkukulang niya? She isn't perfect but does she deserve what her husband did to her? Does she deserve the pain? Bumaba ang tingin niya sa hawak na cellphone ni Lana. At sa daliri niyang suot din ang mga singsing nito. She gritted her teeth looking at the engagement ring. Kailan kaya ito binigay ni Harry sa babae nito? It even looked like an heirloom ring. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Noong nahuli niya noon si Harry at Lana sa probinsya ay hindi niya agad napuna ang pagkakahawig nila ng babae. Nakatagilid ito mula sa paningin niya at nagmamadali siya noon. N