"Pumasok ka na sa loob." the man commanded her. Isa ito sa mga inutusan ni Levi na dalhin siya sa party ni Melody gaya ng napag-usapan nila ni Leia. Naguguluhan pa ay unti-unting humakbang papasok ng venue si Lana. Medyo hindi pa rin mabuti ang pakiramdam niya at nagising lang siya kanina sa isang hindi pamilyar na lugar at mukhang clinic o rest house. Hindi niya alam. Hindi rin siya nagtagal doon nang magising sa silid na iyon. Agad siyang binihisan at inayusan at dinala nga sa lugar na ito. She was wearing an evening gown like everyone else inside the venue. Nakakaramdam pa rin siya ng pagkahilo. Samantalang malayo man mula sa kinatatayuan ng isa't isa ay nagkatinginan ang magkapatid na Melody at Leiana. Wala pa namang sinasabi si Melody at naging abala na sa party nito. Nang makatan