Chapter Five

1548 Words

"Hindi ba talaga kami kasama ni Haley?" sinusundan ng tingin ni Leia ang asawa habang naglalagay siya ng mga damit sa dadalhin na luggage ni Harry. Inilingan siya ng asawa. "Sandali lang naman ako doon. Bibisitahin ko lang sila Lolo." anito. Uuwi ito sa probinsya kung saan naroon ang grandparents nito. Nakaugalian na ni Harry ang pagbisita sa Lolo at Lola niya sa probinsya. Noong nag-aaral pa siya ay tuwing summer, sembreak o holidays siyang umuuwi doon. Ganoon kadalas ang pagpunta niya sa lugar. Nilapitan na niya ang asawa at hinalikan ng mabilis sa mga labi nito. "Next time." aniya lang at kinuha na ang luggage. Hinatid na lang ni Leia ang asawa sa sasakyan nito. Ngumiti sa kaniya si Harry na nasa loob na ng kotse. Bahagya na lang na kumaway si Leia. Hanggang sa nakaalis na ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD