"She's awake..." si Daphne na hindi halos maalis ang tingin kay Leiana. Mabilis na lumapit si Levi sa tabi ng kapatid. Nakaramdam siya ng pinaghalong saya at panghihina. She's finally awake. Papunta noon si Leia sa isa sa mga mansion din ng mga Gozon sa lugar na iyon. May inutusan si Levi na sunduin ang babae sa airport at dalhin doon. Hindi halos matigil sa pag-iyak ang kaibigan at inisip ni Levi na makabubuting magpahinga na muna ito. Hindi na nakasakay si Leia sa flight niya. Nang biglang sumama ang panahon at naaksidente ito sa daan... Mabilis na umuwi si Levi at pinuntahan si Leia. Halos mamatay ito sa aksidente... He blamed himself. Pero nabawasan ang paninisi niya sa sarili nang mabalitaan ang pagsabog ng eroplanong sasakyan sana ni Leia. Nagpunta siya sa mga Zobel at iba ang