HINDI ako makapaniwala sa nasaksihan ko ngayon. Hinahalungkat ko tuloy ang mga kaganapan kagabi. Ang buong akala ko, si Gerlyn ang nag-alaga sa ‘kin dahil wala naman taong puwedeng maka-gawa ng bagay na ‘yon kundi s’ya lang. But how come na si Legis ‘tong nadatnan ko sa kuwarto ko mismo tapos sa sahig s’ya natulog? How did he end up here? “Wait, pupuntahan ko nga si Gerlyn.” Base sa liwanag na naggagaling sa labas, hindi mahamog pero alam kong maaga pa. Para mapatunayan, sinulyapan ko ang alarm clock na naka-lapag sa ibabaw ng side table. “Mag-f-five thirty pa lang,” bulong ko. Sinilip ko ulit si Legis. “Paano s’ya naka-tulog ng maayos sa malamig at matigas na sahig?” Umusog-usog ako papunta sa paanan ng kama. Doon ako bumaba. Dahan-dahan kong itinayo ang aking sarili. Sinubukan kong