When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
PAPUTOK pa lang ang haring araw nang tahimik na lisanin ni Raven ang kanilang bahay. Hindi siya nagpaalam sa kaniyang madrasta dahil tiyak niya na hindi ito papayag na umalis siya. Baka gawin pa nito ang isa sa ikinatatakot niya, ang ikulong siya sa madilim na silid sa likod-bahay para hindi siya makaalis. Bagay na hindi niya hahayaang mangyari. Kaya maaga pa lang ay umalis na siya. Nag-iwan siya ng kapirasong papel sa may hapagkainan na nagsasabing huwag na siyang hahanapin pa. Dahil wala na siyang balak pang bumalik sa bahay na iyon ng kaniyang ama. Mamaya pa naman ang gising ng mag-ina. Siguradong nasa Ellison University na siya kapag sumapit ang oras na iyon. May dala siyang isang backpack at isang sports bag na naglalaman ng kaniyang mga damit na iilang piraso lang naman. Hindi na

