Chapter 1: New Student

862 Words
Arggh! Ano ba yan! Kanina pa ako palakad-lakad dito pero wala namang nangyayari. Saang lupalop nanaman ba ako napunta ha?! Tsk. Gutom na ko. May kainan kaya rito? Lumingon-lingon ako para tignan kung meron bang nagtitinda ng mga pagkain. Pero kahit saan ako tumingin ay wala akong makita kahit isa. Wala man lang bang pagkain rito? Ano ba yan! Puro magics lang ba alam ng mga tao dito? Pansin ko kasi puro tindahan ng mga gamit para sa magics ang nandito. Gutom na ko. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng makakainan. At habang naghahanap ako ng makakainan, may biglang sumigaw malapit lang sakin.   "Alis sa dinadaanan ko!!!"   Aba't! Ang lakas ng loob ng isang to ah! Kapag ganitong gutom ako baka mapatay ko sya"Stop!" Sabi naman nung nasa likod nya na mukhang ninakawan ng isang toh. At dahil isa akong mabuting mamamayan, tutulungan ko sya. "The Daemones of the violent storm-winds, Anemoi!" sambit ko sa mga katagang natutunan ko noong ako ay nag-aral ng magic. Si lolo ang nagturo nan pero ngayon, wala na siya.  Umiling-iling ako. Ayokong umiyak kaya ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko dun kay Mr. Thief. One hit! At dahil napalakas ata ang tira ko, nawalan ng malay si Mr. Thief. Aalis na sana ako ng mapansin ko yung kinuha ni Mr. Thief. Nilapitan ko yon at binuksan. Pagtingin ko sa laman ng lalagyan, mga card iyon ng isang celestial wizard ang laman. May mga golden cards at silver cards sa loob nito at mukhang maramirami ito. Hmm. Mukhang alam ko na kung bakit to ninakawan ni Mr. Thief. Bihira lang kasi ang ganito at iilan lang ang meron. Well sa pagkakaalam ko ay nag-iisa lang ang merong ganitong magic. Pero hindi ko alam yung pangalan niya. Kinuha ko yung cards at binilang ko yung golden cards. One. Two. Three... Habang nagbibilang ako ay mas nanlalaki ang aking mata. Nine. Ten. Eleven... Twelve na golden cards! N-nakolekta na nya ang lahat ng golden cards?!! Bayani ata tong isang to ah! Ibig sabihin yung nag-iisang taong yon ay nakuha na lahat ng cards?! Nagulat ako nung may humablot sa kamay ko nung cards. Tumayo ako para makita yung humablot nung cards. Maganda siya, kaso mukha namang mataray. At ang nakakaagaw pansin sa kanya ay yung damit nya kasi nakauniform sya ng Cross Heart Academy. School na tinitingala ng lahat. Syempre ako din. Ang school para sa mga mage. "Miss salamat sa pagtulong ha. Kung hindi dahil sayo baka nawala yung mga celestial cards ko." Sabi ni ate girl at naka smile na parang close na close kami. "Okay lang yun. And you're welcome." Sabi ko sa kanya na medyo cold yung tono. "By the way my name is Luna Rigels from Cross Heart Academy Nice to meet you!" she said at nakalahad ang kamay. Inabot ko iyon. Bawal maging bastos. It's a rule for me. "Sayuri Akiyama." Short and cold. I said. "Aish. Your so cold. Ay nga pala halika sama ka sa akin kain tayo para naman makapagpasalamat ako sayo." Luna said. Hindi na ko nakatanggi kasi hinila na nya ko papunta sa isang eskinita. Ilang hakbang mula sa pinuntahan namin ay may pinasukan syang pinto. At pagpasok namin isang kainan pala! "Good Morning Luna!" Sabi ng isang Waitress? I think. "Good Morning rin." Sabi ni Luna pero parang may mali? Ay basta! Nilibot ko na lang yung mata ko sa loob ng kainan na ito. Nag-uusap naman si Luna at yung waitress pero di ko na pinansin. "Upo na tayo Sayuri." Sabi ni Luna kaya umupo na ko. "Ano gusto mo? Don't worry libre ko naman eh." "Kung ano na lang sayo." Sabi ko. "Okay." Sabi nya at tinawag na yung waitress at sinabi na yung order namin. At pagkaraan ng ilang minuto, dumating na yung order namin. At dahil sa bango ng pagkain di ko na napigilan ang sarili ko na lantakan yung pagkain. "Umm. Sayuri... Pwede magtanong?" Sabi ni Luna. Tumango naman ako. "Gumamit ka ng magic kanina diba?" Tanong nya. Tumango ako kasi nakain ako di na ko makapagsalita. Ang sarap kasi! "Anong magic mo?" Tanong nya ulit. Nilunok ko muna yung kinakain ko bago ako sumagot. "Sky magic." Sabi ko. At halata namang nagulat naman sya sa sinagot ko. "Ahh. Sayuri. Tara may pupuntahan tayo." Sabi nya. Nagulat naman ako. Syempre! Kakakilala pa lang namin tapos feeling close agad. Mali pala yung description ko kanina! Pero okay lang naman kasi mukha naman syang mabait eh. "Sige. Saan ba?" Tanong ko. Tsk. Di ko alam kung tama ba tong pinaggagawa ko. "Basta. Mamaya malalaman mo rin. Sige, tapusin mo muna yang kinakain mo." Sabi nya. Kaya naman kumain na ulit ako. Pero binagalan ko para naman sulit sa sarap yung mga pagkain. At nang natapos na kaming kumain... I mean ako lang pala ang kumain. Wala eh gutom talaga ako. "Let's go!" Sabi nya at hinila nya na lang ako basta-basta. Naglakad kami ng pagkalayo-layo. Parehas lang kaming tahimik. Malamang pagod. Eh pano baganaman! Ang layo ng nilakad namin pano pa makakapagsalita? At pagkatapos ng mahaba-habang lakaran... Nagulat ako. Nasa tapat namin ang malaking gate ng Cross Heart! Nag-snap si Luna at biglang bumukas ang gate. At nang makapasok siya hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Hey guys! The new student is here!" She said. Pero ano daw? New student?!!! Baliw ba to? Wala naman akong sinabing ganon ah! "LUNA!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD