TAHIMIK LANG NA PINAGMAMASDAN NI MAE si Rafael habang inaasikaso nito ang paglilinis sa mga galos niya sa braso. Mahapdi ang iniligay nitong gamot pero mas nasasaktan siya sa patuloy nitong tila pagtataboy sa kanya. Sa tulad niyang hindi maitikom ang bibig kapag may gustong sabihin, ang pananahimik niya ngayon ay isa sa pinakamahirap na niyang ginagawa. Dahil ayaw niyang magkaroon na naman ng dahilan si Rafael na magalit sa kanya at baka balikan lang nito si Clarisse. Hindi sa sineseryoso niya ang mga sinabi ng tiyuhin nito tungkol sa kalagayan ng puso ng binata. Basta lang ayaw niya itong magpunta kay Clarisse. Tamang gawain lang naman iyon ng mga babaeng lumalaban para sa pag-ibig, hindi ba? Nararamdaman na kaya nito ang pag-iiba na ng nararamdaman niya rito kaya bigla itong nagsungit