Chapter 3

1099 Words
3: Dwell Hingal na hingal si Than nang matapos niya ang isa pa niyang trabaho, kasama niya ngayon ang kaibigan niyang si Gab habang sila’y nasa loob ng sasakyan niya, gulo-gulo pa ang gamit niya sa likuran, mga holy water at mga kong ano-ano tungkol sa simbahan. Inalok siya ni Gab ng maiinum pero tumanggi siya kaya natawa na lamang ang kaibigan niya sa kanya, “grabe Than hindi ko akalain na aabutin tayong ng gabi ngayon, hindi kaya humihina na yong---.” “Tumahimik ka nga Gab,” pagsaway niya sa kaibigan. Kahit din siya ay hindi makapaniwalang malakas ang makakalaban niya ngayon at umabot siya ng gabi para lang sa trabaho niya. Mas lalong ayaw niyang maalala kong anong klaseng pagkakamali ang nangyari sa kanya kong bakit siya nagkakaganito ngayon, pero wala siyang magagawa ito ang misyon niya, isa pa doon, may isang bagay siyang kailangan mahanap, pero mahahanap lang niya ang importanteng bagay na ‘yon kong gigising na si Rinzen. Nakaparada sa madilim na eskinita ang kotse nila habang sa katabi naman nito ang umilaw-ilaw na pangalan ng isang Club na Happy, tahimik lang sila sa loob habang nagpapahinga siya, nang tumunog ang cellphone niya ay agad niya itong kinuha at senenyasan na tumahimik ang kaibigan bago niya kinuha ang tawag para sa kanya. “Hello si Detective Than ito,” sabi niya sa kabilang linya. Nang laki ang mata niya sa gulat at bahagyang lumakas ang t***k ng puso niya nang marinig ang sabi ng kausap sa kabilang linya bago niya ito tuluyang binaba. Nagtataka ang kaibigan niya sa kanyang naging reaksyon, “ano daw ‘yon?” tanong ni Gab. “Si Rinzen gising na daw sabi ng nurse na tumawag sa akin,” tahimik niyang sambit. “’O dapat matuwa ka na niyan kasing gising na yong binabantayan mo,” sabay lagok muli ni Gab sa iniinom nitong iced tea. Umiling si Than, “hindi pa ako sigurado at hindi pa tayo sigurado kong siya nga ang hinahanap natin,” aniya niya sa kaibigan bago niya binuksan ang makina ng sasakyan para imaneho ito papunta sa hospital. ----- Hindi makapaniwala si Rin, tinanggal na ang gasa na nakatakip sa kanyang mata, nakadilat na siya, pero wala parin siyang makita kong di ang dilim, ang siyang bagay na hindi niya gusto, kanina pa siya iyak ng iyak at pinapakalma ng mga magulang niya pero wala itong nagawa para sa kanya, para tumahan siya, ilang beses din siyang tinanong ng mga doktor kong may naalala ba siya, pero wala siyang maisagot kong di ang salitang ‘ewan ko’ at ‘hindi ko alam,’ kaya hindi rin niya mawari kong anong nangyari sa kanya at bigla siyang nabulag. Dahil doon iniwan na muna siya ng mga nurse at magulang na nagbabantay sa kanya, hindi sa takot siya sa dilim pero hindi niya gusto ang pakiramdam na wala siyang nakikita, nakaupo siya sa kama habang nakasandal ang likod niya sa unan na pinagpatong para naman makaunat siya, nang magising siya ay dalawang buwan na pala siyang na coma, laking pasalamat na lamang na nagising pa siya, kaya isa pang bagay ang pagkaka-coma ang hindi niya maalala kong bakit. Nakabaling ang ulo niya sa may bintanang bukas ang kurtina, inaalala niya ang lahat pero animoy blangko ang utak niya at wala siyang maalala kahit na anong pilit niya, tulala lang siya doon at dilim lamang ang nakikita. Napabaling naman siya ngayon sa may pintuan, ngayon siya naniniwala na malakas ang pandinig ng mga bulag dahil ‘yon ang nararamdaman niya ngayon. Nagbukas ang pintuan at pumasok doon si Detective Than saka muling sinara ang pintuan, “sino na andyan?” tanong niya kahit hindi siya siguradong may tao nga ba sa silid niya maliban sa kanya. “Ako ‘to si Detective Than,” narinig niya ang boses lalaki na malapit lang sa kanya. Umupo si Than sa kinuha niyang upuan at saka niya nilagay sa tapat ng higaan ni Rin para madali lang niya itong makausap. Napakunot noo si Rin at pinapakiramdaman ang paligid niya, “a-anong kailangan mo sa akin?” tanong niya kay Than. “Marami akong kailangan sayo Ms. Talde, isa na doon ay pagtatanong tungkol sa nangyari sayo noong gabing pumunta ka sa isang party.” Lalong napakunot noo ang dalagang si Rin. “Anong party? Wala akong maalalang may pinuntahan akong patry, ano bang pinagsasabi mo? Ano bang kailangan mo sa akin?” ramdam ni Rin ang pagtaas ng nararamdaman niyang tensyon sa mga oras na ‘yon. Sa pagkakataon na ito si Than ang nagtataka kong bakit walang maalala si Rin sa nangyari, “wag mong sabihin na wala kang naalala sa nangyari, hindi ka ba nagtataka na kong bakit ka na coma ng dalawang buwan? Kong paano mo nakuha yang pagkabulag mo? Bakit ka na andito ngayon sa ospital? Wala kang naalala sa lahat bago pa man nangyari ‘to, imposible Ms. Talde.” Litong-lito si Rin hindi niya maintindihan ang detective na nagtatanong sa kanya, “wa-wala akong maalala, ano ba talagang pakay mo sa akin?” Pinagmamasdan ni Than ang dalaga na tulala lang sa isang direksyon, pumikit siya at huminga ng malalim, hindi ito ang inaasahan niyang mangyayare, napaisip siyang mahihirapan siyang matapos ang trabaho niya, umalis siya sa pagkakaupo niya sa upuan, “patawarin ninyo ako Ms. Talde pero hindi ito ang oras sa pagtatanong ko sa inyo, hindi ko kayo pwedeng pilitin,” hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng dalaga at agad na siyang naglakad papalapit sa pintuan. Lalabas na sana si Than nang magsalita si Rin na siyang nagpahinto sa binata habang naiwang nakahawak ang isa nitong kamay sa door knob. “Alam mo bang pamilyar ang boses mo, alam ko weird ‘tong sasabihin ko pero pamilyar talaga, hindi ko alam kong saan ko narinig ang boses mo, pero tingin ko pamilyar ang boses mo.” Bumitaw si Than sa door knob at muling humarap sa nakatulalang dalaga, pinagmasdan muna niya ang buhok nitong hanggang balikat lamang, may bangs ito at itim na itim na matang singkit, “hindi ko alam pero sa tingin ko maraming tao sa mundo ang may pagkakapareho ng boses, babalik din ako dito Ms. Talde sa susunod, siguro kailangan ninyo ng pahinga, pero sa susunod na pagkikita natin bibiglain na kita sa mga tanong na kailangan mong sagutin.” Sabi ni Than saka siya tuluyang lumabas ng silid. Narinig naman ni Rin ang pagsara ng pintuan niya, kaya tahimik na naman ang silid niya, isang bagay na hindi niya gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD